Kim Molina, nag-post ng picture kasama si Jerald Napoles at Salome Salvi: "Buti nagising ako"

Kim Molina, nag-post ng picture kasama si Jerald Napoles at Salome Salvi: "Buti nagising ako"

- Nagbahagi si Kim Molina ng picture kung saan makikita ang kanyang boyfriend na si Jerald Napoles kasama si Salome Salvi

- Kinaaliwan ng netizens ang caption ni Kim na buti na lang daw at nagising siya

- Gayunpaman, sa caption ay nilinaw ni Kim na inimbitahan nila ni Jerald si Salome sa pelikula nilang "Seolmate"

- Ito ang pelikula ng magkasintahan na nakatakdang ipalabas sa mga sinehan ngayong May 29

Nagbahagi si Kim Molina ng isang larawan sa kanyang social media account kung saan kasama niya ang kanyang boyfriend na si Jerald Napoles at ang kontrobersyal na personalidad na si Salome Salvi. Ang nasabing post ay nagdulot ng aliw sa maraming netizens dahil sa nakakatuwang caption ni Kim na "Buti nagising ako."

Kim Molina, nag-post ng picture kasama si Jerald Napoles at Salome Salvi: "Buti nagising ako"
Kim Molina, nag-post ng picture kasama si Jerald Napoles at Salome Salvi: "Buti nagising ako"
Source: Facebook

Nilinaw naman ni Kim sa kanyang caption na ang pagkuha ng larawan kasama si Salome ay bahagi ng kanilang promosyon para sa kanilang bagong pelikula na pinamagatang Seolmate. Ayon kay Kim, inimbitahan nila ni Jerald si Salome para sa premiere ng Seolmate.

Read also

Alden Richards, nag-komento sa post ni Robi Domingo: "Makakabawi din ako sa'yo"

Ang Seolmate ay isang pelikulang inaabangan ng maraming tagahanga at nakatakdang ipalabas sa mga sinehan ngayong darating na Mayo 29. Ang proyekto ay nagsisilbing patunay ng patuloy na pagsasama at pag-aangat sa karera ng magkasintahang Kim at Jerald sa mundo ng showbiz.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Kimverlie "Kim" Soriano Molina, known as Kim Molinao mas kilala bilang si Kim Molina ay isang Filipina singer at actress na unang nakilala sa husay ng pagganap niya bilang si Aileen sa long-running Filipino stage musical na 'Rak Of Aegis' , Savannah sa drama series 'Kadenang Ginto', Peng sa digital iWant movie na 'MOMOL Nights', at Elsa sa mainstream film na '#Jowable' kung saan isa na siya sa mga box-office actress dahil tumabo ang kita ng pelikula ng Php100 million.

Read also

Robi Domingo, kinaaliwan sa kanyang video kalakip ang MUPH video clip ng pag-host ni Alden Richards

Matatandaang buong tapang na naibahagi ni Jerald Napoles ang kanyang mga pinagdaanan noong kabataan niya. Ipinagmamalaki rin niya ang lahat ng hirap at sakripisyo ng kanyang ina na mag-isa siyang itinaguyod. Lahat halos ng trabaho at raket ay pinasok ng kanyang ina at nasaksihan niya ang lahat ng ito. Kaya naman ngayon, alay niya ang bawat tagumpay na tinatamasa upang masuklian ang lahat ng pagmamalasakit na ibinigay sa kanya ng ina mabigyan lamang siya ng magandang buhay.

Samantala, binahagi ni Jerald ang video kung saan makikitang tila naiiyak ang girlfriend niyang si Kim. Hawak nito ang kanyang cellphone at nanonood ng video nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Naka-relate naman ang mga netizen sa pag-iyak ni Kim at sinabing pati sila ay naluha sa hiwalayan ng dalawa. Sa pagkumpirma nga ng dalawa na hiwalay na sila, marami sa mga taga-showbiz ang nasaktan din lalo at nagtagal sila ng 11 years.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel