Maricel Soriano, pinasilip ang kanyang customized artista van

Maricel Soriano, pinasilip ang kanyang customized artista van

- Binahagi ni Maricel Soriano sa kanyang vlog ang isang pasilip sa kanyang customized van

- Nakaayos ang kanyang van kagaya sa nauusong 'artista van' ng mga celebrities kung saan halos lahat ng kailangan nila ay naroroon na

- Bukod sa komportableng upuan, meron na ring higaan at palikuran ang kanyang van

- Meron din itong wi-fi at iba pang mga bagay na mahalaga para sa kanya lalo kung nasa taping siya at malayo sa kanyang bahay

Binahagi ni Maricel Soriano sa kanyang vlog ang isang pasilip sa kanyang bagong customized van na talagang pinasadya para sa kanyang mga pangangailangan bilang isang artista. Ang van ni Maricel ay nakaayos kagaya sa mga nauusong 'artista van' ng mga celebrities, kung saan halos lahat ng kanilang kailangan ay naroroon na.

Maricel Soriano, pinasilip ang kanyang customized artista van
Maricel Soriano, pinasilip ang kanyang customized artista van
Source: Youtube

Sa loob ng van, makikita ang mga komportableng upuan na nag-aalok ng mataas na antas ng kaginhawahan. Bukod dito, meron ding higaan at palikuran, bagay na napakaimportante lalo na kung siya ay nasa taping at malayo sa kanyang bahay. Meron din itong wi-fi at iba pang mga bagay na mahalaga para sa kanyang trabaho at personal na pangangailangan.

Read also

Andrea Brillantes nagbahagi ng payo sa kanyang mga kaedad: "Be single"

Ang kanyang mga tagahanga ay labis na natuwa sa kanyang ibinahaging video at humanga sa ganda at functionality ng kanyang artista van. Marami din sa kanila ang nakapansin sa pagiging malinis ni Maricel na kitang-kita sa pagkakaayos ng kanyang mga gamit sa kanyang sasakyan.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Maricel Soriano ay isa sa kinikilalang batikang aktres sa bansa. Kilala siya sa bansag na "The Diamond Star". Ilan sa kanyang nagawang serye at pelikula ay Mother Nanny (2006), Saan Darating ang Umaga? (1983) at Dahas (1995). Ikinasal siya sa aktor na si Edu Manzano noong 1989.

Sa kanyang naunang vlog, nakasama ni Maricel ang Quizon brothers na sina Eric, Epi at Vandolph. Naging malapit sila na parang tunay na magkakapatid dahil sa pagiging malapit ni Maricel sa daddy nila na si Dolphy Quizon. Napagkwentuhan nila ang kanilang mga naging memories kasama sa kanilang pinakamamahal na daddy. Habang nagkukwentuhan ay kumakain din silang apat ng mga seafoods.

Read also

Kasambahay ni Keith Talens na si Yaya Jina, napatalon sa sorpresa ng mga amo sa kanya

Samantala ayon kay Judy Ann Santos, napapadasal na lang siya na matapos na ang eksena kapag kaeksena niya noon si Maricel. Maging si Meryll Soriano na pamangkin ni Maricel ay aminadong malakas talaga manampal ang kanyang tita. Kwento pa ni Juday, napunta umano sa likod ang kanyang headband at tumabingi ang kanyang ribbon nang minsang makaeksena niya si Maricel at sinampal siya nito. Gayunpaman, nakakatulong umano ito sa mas maayos na pagpapakita ng emosyon.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel