Anne Curtis, napuri ni Ogie Diaz: "hindi binabago ng panahon, ng kasikatan"

Anne Curtis, napuri ni Ogie Diaz: "hindi binabago ng panahon, ng kasikatan"

- Napuri ni Ogie Diaz ang aktres ng PH adaptation ng 'It's Okay To Not Be Okay' na si Anne Curtis

- Aniya, mula pagkabata hindi raw ito binabago ng kasikatan

- Ayon pa kay Ogie, sana'y tularan si Anne ng marami at sana'y hindi raw ito magbago

- Samantala, makakasama ni Anne sa nasabing serye sina Joshua Garcia at Carlo Aquino

Sa bagong episode ng kanyang Showbiz Update channel, nabanggit ni Ogie Diaz kung gaano kabuting tao si Anne Curtis.

Anne Curtis, napuri ni Ogie Diaz: "hindi binabago ng panahon, ng kasikatan"
Anne Curtis, napuri ni Ogie Diaz: "hindi binabago ng panahon, ng kasikatan" (Ogie Diaz/Anne Curtis Facebook)
Source: Facebook

Aniya, isa umano ang aktres sa mga hindi binago ng panahon at kasikatan na sana'y tularan umano ng marami.

"Ito talaga, hindi binabago ng panahon, ng kasikatan. Sana tularan siya ng iba. Wa etchos to. Mula bata na nag-artista na si Anne Curtis, hanggang ngayon. 'Yan ang taong hindi binabago ng panahon, ng kasikatan at kahit sa init ng panahon. Ganu'n kagiliw yan si Anne Curtis."

Read also

Ogie Diaz, willing i-guide si Diwata: "Kahit walang bayad"

"Kaya ako tuwang-tuwa diyan kay Anne. Tingnan mo naman o. Siya 'yung sa It's Okay to not be Okay," dagdag pa ni Ogie na nabanggit pa ang Philippine adaptation ng seryeng pagbibidahan ni Anne, kasama sina Joshua Garcia at Carlo Aquino.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"We're so very happy for you Anne. Huwag kang magbabago. Andami nang nagbabagong mga artista please, 'wag kang magbago ha?" pakiusap pa ni Ogie.

Narito ang kabuuan ng naging pahayag ni Ogie:

Si Anne Curtis Smith- Heussaff ay isang aktres, TV host, recording artist, commercial model at product endorser. Kabilang sa mga sumikat niyang mga teleserye ay Kampanerang Kuba, Dyosa at Mars Ravelo's Dyesebel.

Matapos ang pamamalagi sa Australia dahil sa kanyang panganganak at dahil na rin sa pandemya, Pebrero lamang ng kasalukuyang taon umuwi ang mag-anak. Kamakailan lang ay nagbakasyon sa Boracay sina Anne kasama ang anak na si Dahlia at si Solenn Heussaff kasama naman si Thylane. Naging usap-usapan ang mga litrato ni Anne na kuha sa tabing dagat.

Read also

Andrea Brillantes: "I'm not perfect but I'm not as bad as they paint me out to be"

Matatandaang marami ang naaliw sa binahaging video ni Erwan sa kanyang Instagram post. Ito umano ang inihanda sana nilang sorpresa ng anak niyang si Dahlia Amelie Heussaff para sa Mother's Day video nila para kay Anne. Ani Erwan, kakanta sana silang mag-ama ngunit hindi nila iyon natapos dahil sa pangungulit ng anak. Hindi naman napigilan ni Erwan na matawa sa anak at maging ang mga netizens ay aliw na aliw sa cute at bibong anak nila Anne at Erwan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Online view pixel