Andrea Brillantes: "I'm not perfect but I'm not as bad as they paint me out to be"
- Sinagot ni Andrea Brillantes ang mga maling assumption tungkol sa kanyang pagkatao
- Inamin ng aktres na hindi siya perpekto ngunit ipinagtanggol ang kanyang sarili laban sa mga negatibong kuro-kuro
- Ipinaliwanag ni Andrea na kung may nagsasabing suplada siya, ito'y maaaring reaksyon lamang niya sa pakikitungo ng ibang tao sa kanya
- Binigyang-diin ni Andrea na naniniwala siyang isa siyang mabuting tao at na may karapatan siyang sabihin ito, sa kabila ng mga kontrobersiyang ipinupukol sa kanya
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Sa isang eksklusibong panayam ng L'Officiel, sinagot ni Andrea Brillantes ang mga maling akala tungkol sa kanya. Nang tanungin siya ng “What is something people assume about you that's actually not true at all?" ay buong tapang na ibinahagi ng aktres ang kanyang saloobin.
"Lahat, char! Ang dami. Wait! Siguro... O masyado bang conceited to say na hindi masama 'yung ugali ko. I think I'm a good person. Parang pwede ko namang sabihin 'yun, 'di ba? I think I am. I'm not perfect but I'm not as bad as they paint me out to be,” sagot ni Andrea.
Ipinahayag din ni Andrea na kung ganito man ang tingin ng iba sa kanya, maaaring ito ay resulta lamang ng kanilang mga kilos patungo sa kanya. “If ever 'yun 'yung tingin nila, 'yun yung lumalabas, I think as a water sign, I'm just a reflection of their actions. Like, for example, if kunyari may magsabi na suplada ako. Feeling ko mas nauna nila ako sinupladahan bago ko sila," dagdag pa ng aktres.
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Si Andrea Brillantes ay isang aktres na nakilala sa kanyang pagganap bilang si Annaliza sa isang kapamilya teleserye. Nakilala siya sa kanyang mahusay na pagganap sa mga kontrabida role kagaya ng kanyang pagganap bilang si Marga Mondragon sa hit TV series na "Kadenang Ginto" na nagkaroon ng remake sa ibang bansa dahil sa tagumpay nito.
Nagbigay ng paalala ang kampo ng aktres sa gitna ng natatanggap nito na pambabatikos. Kaugnay ito sa spliced video na ginagamit umano sa kasalukuyan sa mapanirang paraan at ginagamit nang wala sa konteksto. Ito ay ang pahayag ni Andrea tungkol sa kanyang mga bashers na pinapakalat sa kasalukuyan sa social media. Mula ito sa kanyang vlog noong nakaraang taon kung saan binasa niya ang mga hate comments sa kanya.
Ayon kay Andrea, hindi niya sadya ang pagbe-baby talk niya na talaga namang palaging nagtetrending. Aniya, hindi niya napapansin na ganun na siya magsalita at minsan ay nagugulat na lamang siya kapag inaasar na siya ng mga tao. Noong bata umano siya ay kulang umano siya sa pansin kahit bunso siya at hindi siya lumaki sa mga magulang niya. Nababago lang umano niya ito kapag nasa trabaho siya at may role siyang kailangang gampanan.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh