Yeng Constantino, nagpost tungkol sa pagsugod sa kanya sa ospital

Yeng Constantino, nagpost tungkol sa pagsugod sa kanya sa ospital

- Isinugod sa ospital si Yeng Constantino dahil sa isang medikal na kondisyon, ayon sa Cornerstone Entertainment

- Hindi nakadalo si Yeng sa Tandag City's 17th Charter Day Karuga 2024 celebration noong Hunyo 22, 2024

- Humingi ng dispensa si Yeng sa pamamagitan ng kanyang Facebook post at nangakong babawi sa susunod siya

- Nagbahagi rin siya ng larawan mula sa hospital bed at isang video ng magaang workout bilang bahagi ng kanyang recovery

Ibinahagi ni Yeng Constantino sa kanyang Instagram post ang isang litrato habang nasa hospital bed at isang video ng kanyang magaang workout. Nagbigay din siya ng payo kaugnay sa pagiging maingat sa pagkain at stress.

Yeng Constantino, nagpost tungkol sa pagsugod sa kanya sa ospital
Yeng Constantino, nagpost tungkol sa pagsugod sa kanya sa ospital
Source: Instagram
"Magaan na workout muna after maospital. ♥️ Ingat lalo sa food and pag manage ng stress.

Nauna nang nagbigay ng announcement ang Cornerstone Entertainment tungkol sa kalagayan ng singer matapos siyang isugod sa ospital dahil sa isang medikal na kondisyon. Dahil dito, hindi nakadadalo si Yeng sa Tandag City's 17th Charter Day Karuga 2024 celebration na ginanap noong Hunyo 22, 2024. Humingi ng paumanhin ang talent agency ni Yeng sa anumang abala na dulot ng pangyayaring ito at nagpasalamat sa pang-unawa ng publiko.

Read also

BDO, naglabas ng pahayag sa viral video ng kustomer na nawalan ng P345,000

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa kanyang Facebook post, naglabas ng pahayag si Yeng na humihingi ng dispensa sa mga taga-Tandag City. Aniya, "Tandag City sorry na di ako makakarating bukas dahil nagkaron ako ng sakit. Kailangan ko magpagaling pa. Babawi ako next time!"

Si Yeng Constantino ay isang mang-aawit na nakilala matapos niyang manalo at tinanghal na "Grand Star Dreamer" sa Pinoy Dream Academy. Ikinasal siya kay Yan Asuncion noong February 14, 2015 sa isang resort sa Tagaytay, Cavite.

Matatandaang marami ang humanga kay Ryan Bang sa pinakita nitong pagrespeto sa mister ni Yeng na si Victor Asuncion. Kasama kasi ito ni Yeng nang mag-guest siya sa isang vlog episode na binahagi ni Ryan Bang. Bago pa nila pag-usapan ang tungkol sa kanilang nakaraan, agad na humingi ng permiso si Ryan sa asw ni Yeng kung pwede nilang pag-usapan ang tungkol sa kanilang nakaraan. Tumatawa lang din ang mister ni Yeng na tila nagbigay ng kanyang permiso.

Read also

Francine Diaz, nagtapos sa Senior High School sa kabila ng pagtatrabaho

Samantala, sa kanyang vlog, pinakita ni Yeng ang pinagawa nilang ng kanyang asawa na farmhouse. Aniya, ang gusto umano nila ay maramdaman ang ibang vibe sa bahay nila sa Maynila kaya hindi kagaya sa bahay nila, naka-rough finish lang ang sahig nila sa farmhouse. Maliit lang din ang farmhouse nila na mayroong kusina, veranda, tulugan nilang mag-asawa at sala. Ayon kay Yeng, ipapakita pa niya ang itsura ng kanilang farmhouse kapag nalagay na nila ang mga gamit na ilalagay pa lamang.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate