Alex Gonzaga, nag-ala 'Ms Rachel' para mapasaya ang pamangking si Polly

Alex Gonzaga, nag-ala 'Ms Rachel' para mapasaya ang pamangking si Polly

- Ibinida ni Alex Gonzaga ang kanyang todo-effort na video upang maaliw ang pamangkin niyang si Polly na tuwang-tuwa sa American YouTuber na si Ms. Rachel

- Kaya naman, sa kanyang video ay sinubukan niyang gayahin si Ms. Rachel ngunit tila hindi pa rin naaliw si Polly

- Ani Alex, fail ang kanyang effort pero gayunpaman marami ang naaliw at natuwa sa kanyang pagiging mapagmahal na tita

- Pinakita pa ni Alex ang pinagkaiba ng reaksiyon ng pamangkin nang panuorin siya at si Ms. Rachel

Nagpakitang-gilas si Alex Gonzaga sa kanyang bagong video kung saan sinubukan niyang gayahin ang sikat na American YouTuber na si Ms. Rachel, upang pasayahin ang kanyang pamangking si Polly.

Alex Gonzaga, nag-ala 'Ms Rachel' para sa mapasaya ang pamangking si Polly
Alex Gonzaga, nag-ala 'Ms Rachel' para sa mapasaya ang pamangking si Polly
Source: Youtube

Sa kanyang latest vlog, ipinakita ni Alex ang kanyang todo-effort na paggayang sa estilo ni Ms. Rachel, ngunit tila hindi pa rin nagustuhan ni Polly ang kanyang ginaw. Bagamat sinabi ni Alex ang kanyang effort ay "fail," marami pa rin ang naaliw at natuwa sa kanyang pagpupursigi na mapasaya ang kanyang pamangkin.

Read also

Alex Gonzaga, binati ni Mikee Morada ng 'Happy Mother's Day'

Hindi maiwasang ikumpara ni Alex ang reaksiyon ni Polly nang panuorin siya sa kanyang video sa reaksiyon nito kay Ms. Rachel. Maging ang mommy at daddy nina Alex at Toni ay kasama din sa video.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ang TV host-actress na si Alex Gonzaga ay unang sumikat sa mundo ng showbiz bilang nakababatang kapatid ni Toni Gonzaga. Isa siya sa maituturing na pinakamatagumpay na YouTuber sa bansa na mayroon nang mahigit 13.5 million na subscribers sa kasalukuyan.

Nagbiro si Alex tungkol sa isyung nag-resign siya sa episode ngayong araw ng Tropang Lol. Sa opening song pa lamang ng programa kung saan kumanta siya ay pabiro niyang isiningit ang "walang nag-resign." Ito ay sa gitna ng usap-usapang nag-resign umano siya lalo at wala siya noong unang araw ng back-to-back airing ng 'Tropang Lol' at 'It's Showtime.' Maging sa programa ni Cristy Fermin ay nabanggit na nag-resign si Alex sa programa kahit may isang buwang commitment pa umano itong natitira sa naturang programa.

Nabanggit ni Alex sa kanyang podcast ang tungkol sa umano'y paninigaw sa kanya ng isang artista na nakatatanda sa kanya. Aniya, may mga pagkakataon na pinagmumukha siyang masama ng ibang tao dahil sa kanyang personality. Noong nasa 20s umano siya ay na-traumatize siya dahil sa ginawa sa kanya ng artistang ito at nagkwento pa umano at pinagmukha siyang masama. Ang akala umano nito ay galing siya sa bahay at late lang siya at hindi umano niya alam na galing siya sa trabaho.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel