Vice Ganda, nawindang sa viral Water dance ng alaga niyang si Jackie Gonzaga

Vice Ganda, nawindang sa viral Water dance ng alaga niyang si Jackie Gonzaga

- Nag-react si Vice Ganda sa viral video ni Jackie Gonzaga na sumasayaw ng "Water" dance

- Trending si Jackie dahil sa video na kuha sa La Union at pinapalakpakan ng mga tao

- Suot ni Jackie ang isang terno crop top at skirt sa naturang video na talaga namang pinag-usapan

- Sa It’s Showtime, nagbiro si Vice tungkol sa viral video ni Jackie habang nasa isang segment kasama si Vhong Navarro

Nag-react si Vice Ganda sa viral video ng kanyang alaga na si Jackie Gonzaga na sumasayaw ng "Water" dance. Ilang beses itong nagbiro sa It's Showtime ngayong araw tungkol sa video ni Jackie.

Vice Ganda, nag-react sa viral Water dance ng alaga niyang si Jackie Gonzaga
Vice Ganda, nag-react sa viral Water dance ng alaga niyang si Jackie Gonzaga
Source: Youtube

Sa kasalukuyan, trending si Jackie dahil sa kanyang viral video na sumasayaw sa kantang “Water” ni Tyla sa La Union. Suot niya ang isang terno crop top at skirt.

Sa video, tila lasing si Jackie nang gawin niya ang sayaw habang pinapalakpakan ng mga tao sa paligid. Umabot na sa milyon ang views ng kanyang video.

Read also

Claudine Barretto, kinaaliwan sa kanyang 'Thank you so much' video

Sa pinakabagong episode ng It’s Showtime, sila ni Vhong Navarro ang magkasama sa isang segment at ang kanilang intro ay may halong stepping mula sa kantang iyon na nagpapaalala kay Vice sa viral video ni Jackie.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Nagbiro si Vice, “Pano? Pano? Wag ka nga Vhong! Di naman kita nakita dun sa mga video ah. Gusto mo kausapin din kita? Kasi siya kinausap ko na nung makita ko ang video eh.”

Si Vice Ganda ay isa sa pinakasikat na komedyante at TV host sa kasalukuyan. Nakilala siya sa kanyang husay sa pagpapatawa at mga pelikulang kadalasan ay tumatabo sa takilya. Kabilang din siya sa noontime show na It's Showtime na 13 taon nang napapanood sa ABS-CBN. Bukod sa kanyang pag-aartista, siya rin ay nagmamay-ari ng beauty products na Vice Cosmetics.

Read also

Melai, may ilan umanong kondisyon sakaling ibigay ang role ni AiAi sa Tanging Ina

Kinaaliwan si Kim Chiu matapos ibuking ni Vice Ganda na konting kibot daw naiiyak si Kim Chiu. Sa kanilang pag-uusap sa episode ng It's Showtime, pinuna ni Vice ang naging reaksiyon ni Kim sa kanyang pagkukuwento. Hirit naman ni Vhong Navarro, nagiging baka daw si Kim. Tawang-tawa naman si Kim sa mga hirit na ito ng kanyang mga co-hosts.

Kinaaliwan din ang biruan nina Vice Ganda at Jhong Hilario sa Isip Bata segment ng It's Showtime. Pabirong sinabi ni Vice Ganda sa madlang people na i-mass report si Jhong. Tawang-tawa naman silang mga host sabay sabi ni Jhong na na-block na nga daw siya ng Facebook. Matatandaang naging biruan nila ito simula nang matanggal ang Facebook page ni Rendon Labador dahil daw sa pag-mass report.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel