Dingdong, sa naungkat na isyung nabuntis niya umano si Lindsay De Vera: "that is not true"
- Sa programang "Fast Talk with Boy Abunda" muling natalakay ang minsan nang naging chismis kay Dingdong Dantes
- Ito ay ang nabuntis niya 'di umano ang naging co- star niya noon sa Alyas Robin Hood
- Muli niyang pinabulaanan ang chismis na minsan na nila umanong pinagtawanan dahil wala itong katotohanan
- Ipinaliwanag din ni Dingdong bakit kailangan niya itong muling linawin
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Aminadong nagdadalawang-isip si Dingdong Dantes kung sasagutin ba muli niya ang mga espekulasyon noon na nabuntis niya ang GMA actress na si Lindsay De Vera.
Matatandaang si Lindsay ay naging co-star niya sa seryeng Alyas Robin Hood sa GMA.
Sa Fast Talk with Boy Abunda, muling pinabulaanan ni Dingdong ang mga akusasyong ito na minsan na rin itinanggi mismo ni Lindsay at sinabing wala umano itong katotohanan.
"May mga tumatawag na po sa akin na mga kaibigan. Mga kamag-anak. "Yung mga nagmamalasakit po sa akin. And because I think I have a responsibility dito sa aking mga mahal sa buhay, sa aking mga kaibigan e responsibilidad ko na klaruhin ang isyung ito dahil mahalagang mahalaga po ang respetong ito sa akin," ani Dingdong.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
"I have a responsibility sa aking pamilya 'di ba to clear things like this. Because I love my wife, I love my family very much, my kids. That's why I'm saying that it is not true," dagdag pa niya.
Narito ang kabuuan ng kanyang naging pahayag mula sa Fast Talk with Boy Abunda.
Si Jose Sixto Raphael Gonzalez Dantes III o mas kilala bilang Dingdong Dantes ay isang Filipino actor, television presenter, dancer, commercial model at film producer. Isa siya sa mga ekslusibong talent ng GMA. Kasalukuyan siyang host ng sikat na game show na 'Family Feud'.
Matatandaang tinaguriang top-grosser film of all time sa Pilipinas ang pelikula ni Dingdong at ng kanyang misis na si Marian Rivera na "Rewind." Isa ito sa sampung pelikula ng Metro Manila Film Festival noong 2023.
Dahil dito, kinilala sila at ang kanilang pelikula sa senado matapos na kumita umano ito ng 903 million.
Minsan nang naikwento ni Marian na habang binabasa pa lang ang script ng naturang pelikula, labis na umano ang kanyang iniiyak. Ito ay dahil naiisip niya kung nangyayari nga ang mga eksena sa pelikula sa kanilang buhay mag-asawa. Inakala pa ng kanyang ina na siyang nakakita sa kanya na kung ano na ang problema ng aktres, kaya naman labis daw itong natawa nang malamang nagbabasa ito ng script na ganoon na lamang kaganda para mapaiyak nang husto si Marian.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh