Coleen Garcia, pinasilip ang kanilang home makeover

Coleen Garcia, pinasilip ang kanilang home makeover

- Binahagi ni Coleen Garcia ang ilang pictures sa bahay nila ni Billy Crawford na aniya ay kaka-makeover lang

- Base sa kanyang post, kasamang naka-tag sa post ang pinturang ginamit at ang supplier ng fluted panels na nakalagay sa kanilang bahay

- Sa mga binahaging pictures ni Coleen ay makikita na puting pintura at ang mga nadagdag na fluted panels

- Umani ng papuri ang post na ito ni Coleen kung saan hinangaan ang ganda ng bahay nila at maging ang kagandahan ni Coleen

Ipinasilip ni Coleen Garcia ang kanilang bagong home makeover. Sa isang post sa kanyang social media account, ibinahagi ni Coleen ang ilang larawan ng kanilang bahay na aniya ay kakatapos lamang ng makeover.

Coleen Garcia, pinasilip ang kanilang home makeover
Coleen Garcia, pinasilip ang kanilang home makeover
Source: Instagram

Kasama sa kanyang post ang mga supplier ng pintura at fluted panels na ginamit sa kanilang bahay. Sa mga larawan na ibinahagi ni Coleen, makikita ang puting pintura at ang mga nadagdag na fluted panels na nagbibigay ng bagong buhay sa kanilang tahanan.

Read also

Miles Ocampo, binahagi ang pictures na kuha sa kanyang birthday salubong

Dahil dito, hindi maiwasang magbigay ng papuri at hangaan ng kanilang mga tagasuporta sa kagandahan ng kanilang bagong bahay pati na rin ang kagandahan ni Coleen.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Ang asawa ni Coleen Garcia na si Billy Crawford ay isang Filipino-American actor at TV host na sumikat sa international music scene dahil sa kanyang awiting "Bright Lights," "Trackin'", "When You Think About Me" at "You Didn't Expect That" Bago lumipat sa TV 5, nakilala siya bilang TV host sa ABS-CBN at ilan sa mga palabas kung saan siya ay nag-host ay Pinoy Dream Academy, Pilipinas Got Talent, Your Face Sounds Familiar, Pinoy Boyband Superstar, Your Face Sounds Familiar Kids, Little Big Shots at Idol Philippines.

Umani si Billy at kanyang dance partner na si Fauve Hautot ng pinakamataas na puntos matapos ang kanilang dance performance. Nakatanggap sila ng 35 na puntos at sila din ang nakakuha ng pinakamataas na puntos noong premiere night kung saan 36 points naman ang natanggap nila. Sa kanilang pinakabagong performance ay nakasama nila sa entablado si Coleen Garcia bilang surprise guest ni Billy. Kabilang si Billy sa mga celebrities na kasali sa Danse avec les stars, isang television dance contest kung saan naipapareha ang mga celebrities sa professional dancers para magtagisan sa pagsayaw ng ballroom at Latin dance.

Naibahagi ni Billy ang opinyon niya kaugnay sa kinasasangkutang kontrobersiya ni Alex Gonzaga. Ani Billy, alam niyang alam ni Alex kung ano ang nagawa niyang mali at humingi naman ito ng dispensa. Dagdag pa ni Billy, maging aral na lang sa lahat ang nangyari at mag-move on na lang sa isyung ito. Nakausap niya umano si Alex noong araw ng kanyang birthday at biniro pa niya ito kaugnay sa kanyang kinasangkutang isyu.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel