Sarina Hilario, kinagiliwan sa kanyang 'Princess makeover' video

Sarina Hilario, kinagiliwan sa kanyang 'Princess makeover' video

- Kinagiliwan ng marami ang 'Princess makeover' video ni Sarina Hilario

- Sa kanyang Facebook page, ipinakita ang masayang tagpong ito na bahagi lamang ng kanyang birthday celebration sa Hong Kong Disneyland

- Kitang-kita kung gaano kasaya si Sarina na piniling maging si Princess Aurora

- Matatandaang sa ilang video ni Sarina, kamangha-manghang sa mura niyang edad, kilala na niya ang mga Disney Princesses at mabilis siyang makamemorya ng mga kanta

Muli na namang kinaaliwan online ang video ni Sarina Hilario kung saan ipinakita niya ang naganap na Princess makeover sa kanya.

Sarina Hilario, kinagiliwan sa kanyang 'Princess makeover' video
Sarina Hilario, kinagiliwan sa kanyang 'Princess makeover' video (Sarina Oceanía Azores Hilario FB)
Source: Facebook

Kuha umano ito sa Hong Kong Disneyland kung saan ipinagdiwang niya ang kanyang 3rd birthday.

Pagpasok pa lamang nila sa boutique, maririnig na ang "wow!" ni Sarina habang karga siya ng amang si Jhong Hilario.

Sa dinami-rami ng mga Disney Princess, pinili niyang maging si Princess Aurora o si Sleeping Beauty sa araw na iyon.

Read also

Sarah G kay Matteo sa suporta nito sa pagpasok niya sa baking school: "Thank you, my love"

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Samantala, umani rin ng papuri si Sarina sa mga netizens na nakapanood ng naturang video.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"So Pretty Princess Aurora! Happy Birthday to you"
"You are a true princess, Sari. So adorable"
"Bakit parang napapangiti rin ako habang pinapanood ko kung gaano ka-happy si Sarina?"
"Sobrang happy rin ng kanyang Daddy Jhong. Nakakatuwa talaga itong si Sarina"
"You deserve ito Princess Sari. Enjoy your birthday!"

Narito ang kabuuan ng naturang video:

Si Sarina Oceanía Azores Hilario ay anak ng It's Showtime host na si Jhong Hilario at partner nitong si Maia Azores. Agaw-pansin ang mga father and daughter videos nina Jhong at Sarina dahil lalo na ang kahanga-hangang pagkanta ni Sarina sa mura niyang edad.

At kamakailan lamang, naglabas na ng music video si Sarina sa awitin ni Frank Sinatra ang 'Fly me to the moon.' Bukod sa awiting ito, madalas din niyang kantahin ang "Moon River" at marami pang iba. Malimit na magbahagi si Jhong ng video ng kanyang anak na talaga namang kinaaliwan ng netizens dahil sa pagiging biba nito.

Read also

Janno Gibbs, naikwentong nakapagpaalam pa noon sa ama: "I know, he was breathing pa e"

Kamakailan lang ay nagdiwang ng kanyang 3rd birthday si Sarina at pinili nilang ibahagi ang kanyang mga biyayang natatanggap sa mga batang ulila na nasa pangangalaga ng isang orphanage sa San Juan. Makikita ang saya ni Sarina sa pagbibigay saya rin sa mga batang nakasama niya sa kanyang espesyal na araw.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel