Asoka makeup video ni Tyronia, halos 10 million views agad sa loob ng ilang oras

Asoka makeup video ni Tyronia, halos 10 million views agad sa loob ng ilang oras

- Mabilis na nag-viral ang Asoka makeup video ni Tyronia Fowler

- Ayon sa caption ng kanyang post, humabol lamang siya dahil busy sa quarterly test

- Umani ng papuri si Tyronia sa latest video niyang ito

- Katunayan, sa loob lamang ng halos anim na oras, may mahigit 9 million views na ito

Agaw-eksena sa social media ang Asoka makeup video ni Tyronia Fowler na kanyang inilabas ngayon May 4.

Asoka makeup video ni Tyronia, halos 10 million views agad sa loob ng ilang oras
Asoka makeup video ni Tyronia, halos 10 million views agad sa loob ng ilang oras (Tyronia Fowler)
Source: Facebook

Sa loob lamang ng ilang oras, pumalo na agad sa halos 10 million ang views nito sa Facebook pa lamang.

"Na-busy sa Quarterly test habol lang po," ang caption ng video ni Tyronia.

Umani rin ito ng papuri mula sa netizens at sinasabing isa umano ito sa pinakamahusay at pinakamagandang gumawa ng makeup trend na ito.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Read also

Vice Ganda, nagbiro matapos sumingit daw magperform si Anne Curtis: “Respect naman sa ibang artists”

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Napakahusay baby Tyronia! Ang ganda ganda mo pa"
"So pretty just like your mommy Oni."
"Why so beautiful bebe girl?"
"Wow! kamukhang kamuka na ng kanyang mommy Oni"
"Kahit humabol ka pa bhebhe girl, the best pa rin itong version mo"
"Tama po yan, focus ka muna sa exam. Tingnan mo naman, ang ganda-ganda mo pa rin sa video na ito"

Narito ang kabuuan ng video

Si Toni Fowler ay nakilala sa social media at bilang isang YouTuber matapos niyang masangkot sa eskandalo kaugnay sa paghihiwalay ng aktres at social media star na si Jelai Andres at sa asawa nitong Jon Gutierrez. Sa kabila ng kontrobersiya ay marami ang sumuporta kay Toni maging sa anak niyang si Tyronia at sa kanilang ToRo family.

Kamakailan, masayang ibinahagi ni Toni ang pagpapa-ultrasound niya ng kanilang baby ni Vince Flores. Tuwang-tuwa sila gayung sa pagbalik nilang ito sa doktor ay may heatbeat na ang kanyang second baby. Masaya rin nilang ibinahagi ito sa panganay ni Toni na si Tyronia.

Read also

Janno Gibbs, naikwentong nakapagpaalam pa noon sa ama: "I know, he was breathing pa e"

Samantala, kamakailan din ay naging emosyonal naman si Tyronia nang kausapin niya ang kanyang Daddy Vince kung maaring Flores na rin ang gamitin niyang apelyido. Bagama't hindi ito ang kanyang biological father, masasabi raw ni Tyronia na ito umano ang tunay na nagmahal sa kanya at tumayong parang tunay na ama.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel