Luis Manzano, napagtripan ng asawang si Jessy Mendiola: "Kinortehan pa talaga"

Luis Manzano, napagtripan ng asawang si Jessy Mendiola: "Kinortehan pa talaga"

- Binahagi ni Luis Manzano ang video ng pangangantiyaw ng asawa niyang si Jessy Mendiola sa kanya

- Sa naturang video ay may hawak si Jessy na mangga na inilapit niya sa mukha ni Luis

- Ginalaw pa niya ito sa gilid ng mukha ni Luis na tila ba sinusunod ang hugis ng mukha ng kanyang mister

- Pinag-side view pa niya si Luis sabay patagilid din ng mangga at nang humarap si Luis ay iniharap din ang mangga

Napatawa at napagtripan ni Jessy Mendiola ang kanyang asawang si Luis Manzano, matapos niya itong biruin kaugnay sa hugis ng kanyang mukha.

Luis Manzano, napagtripan ng asawang si Jessy Mendiola: "Kinortehan pa talaga"
Luis Manzano, napagtripan ng asawang si Jessy Mendiola: "Kinortehan pa talaga"
Source: Facebook

Sa isang video na ibinahagi ni Luis, makikitang biniro ni Jessy si Luis gamit ang isang berdeng mangga. Hindi lang basta inilapit ni Jessy ang mangga sa mukha ni Luis, kundi tila pinaghambing pa nito sa gilid ng mukha ng kanyang mister, tila sinusunod ang hugis ng mukha nito.

Read also

Carmina Villarroel, naiyak sa nakakaantig na Mother's Day message ni Mavy

Pinag-side view pa niya si Luis sabay patagilid din ng mangga at nang humarap si Luis ay iniharap din ang mangga. Ang kulitan nilang ito ay binahagi ni Luis sa social media, kung saan madalas niyang ipinapakita ang mga katatawanan at nakakaaliw na videos nila.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Hindi naman bago ang mga ganitong biro para kay Luis, na kadalasang binabanggit o ibinabahagi mismo ang mga memes na nagpapakita ng pagkakawangis ng hugis ng kanyang mukha sa isang mangga.

Si Luis Manzano ay anak nina Vilma Santos at Edu Manzano. Kilala siya sa pagiging isa sa mahusay na TV hosts sa bansa. Ikinasal siya kay Jessy Mendiola na nakilala naman sa mahusay na pagganap bilang si Maria Mercedes sa Philippine remake ng sikat na Mexican telenovela. Taong 2016 nang manguna siya sa listahan ng men's magazine na FHM Philippines.

Read also

Miss Grace, may makahulugang mensahe tungkol sa 'Justice'

Hindi maipagkaila ni Vilma Santos na sobra siyang excited sa kanyang unang apo na tinatawag nilang si "Peanut." Sa kanyang bagong vlog ay pinakita niya ang regalong kanyang binili para sa apo kahit hindi pa ginaganap ang baby shower. Bukod sa baby bottles, nagbigay din ang Star for All Seasons ng sterilizer na ayon kay Jessy ay sobrang kailangan nila. Nagbigay din siya ng payo para sa mag-asawa hindi lang bilang magulang kundi bilang magkatuwang sa pagpapalaki sa anak nila.

Kamakailan ay binahagi ni Jessy sa kanyang YouTube channel ang kanilang pagpapa-check up kasama ang asawa niyang si Luis. Bahagi ng kanyang video ay makikita ang 4D ultrasound kung saan makikita ang facial feature ng anak nila ni Luis. Maging ang sumusuri kay Jessy ay napansing matangos ang ilong ni Baby Peanut. Tuwang-tuwa naman si Luis at nagpasalamat pa dahil aniya, si Jessy ang kamukha ng kanilang anak.

Read also

McCoy De Leon, nag-post ng video ni Elisse: "Yung inaway ka niya tapos ikaw pa magso-sorry"

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate