Kim Chiu, magbibigay ng ayuda sa nagde-date na magjowa: "Bakit naman ganun?"
- Si Kim Chiu ang nabunot ni Argus na magbibigay ng ayuda sa segment nila na Showing Bulilit
- Ang nabunot naman niyang dapat bigyan ng ayuda ni Kim ay ang mag-jowang nagde-date
- Natawa si Vice Ganda dahil dito at nagsabing si Kim pa talaga ang nabunot para magbigay ng ayuda sa nagde-date
- Nakisabay naman si Kim sa biruan at nag-post pa sa socmed platform na X na tila kinukuwestiyon kung bakit siya ang napili
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Si Kim Chiu ang nabunot ni Argus para magbigay ng ayuda sa segment nila sa It's Showtime na Showing Bulilit. Ngunit, ang nakakaaliw na bahagi ay ang pagtukoy kung sino ang dapat niyang tulungan: ang mag-jowang nagde-date.
Hindi napigilang humirit ni Vice Ganda dulot ng pagkakapili kay Kim upang magbigay ng tulong sa magjowa. Aniya, "Si Kim pa talaga!" na nagdulot ng masayang biruan sa set.
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Sa kabila ng biruan, hindi nagpahuli si Kim Chiu sa kulitan. Nag-post siya sa kanyang social media, kung saan tila kinukuwestiyon niya ang pagkakapili sa kanya na magbigay ng ayuda sa magjowang nagde-date na kanyang makikita.
Si Kim Chiu ay isang kilalang artista at personalidad sa industriya ng showbiz sa Pilipinas. Isinilang siya noong April 19, 1990, sa Tacloban City, Leyte, Philippines. Unang sumikat si Kim Chiu noong sumali siya sa reality show na "Pinoy Big Brother: Teen Edition" noong 2006, kung saan siya ang nagwaging big winner. Matapos manalo sa PBB, naging bahagi siya ng Star Magic, ang talent management arm ng ABS-CBN, at nagsimula nang magkaruon ng mga proyektong telebisyon at pelikula.
Sa post ni Kim, binahagi niya ang saloobin na nakabalik na siya sa pagtatrabaho matapos ang mahigit isang linggo. Sa kanyang pagbabalik-trabaho, aniya ay mas naging makahulugan sa kanya ang linyang “Umulan man o Umaraw. Kahit ang dulo ay di matanaw." Bahagi ito ng lyrics sa opening song ng noontime show na "It's Showtime."
Tuwang-tuwa si Kim nang makatanggap ng mamahaling sapatos mula sa Diamond Star na si Maricel Soriano. Sa kanyang IG stories ay makikita ang pag-abot sa kanya ni Maricel ng Christian Louboutin na sapatos. Kilig na kilig si Kim habang sinusukat ang sapatos mula sa Diamond star. Todo-pasalamat si Kim at pinangakong aalagaan niya nang buong puso ang pamana ng kanyang inay Maria.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh