Jake Ejercito, sa makulit na larawan nina 'Snoop at Irene': "Selos 'yan Aldrich?"

Jake Ejercito, sa makulit na larawan nina 'Snoop at Irene': "Selos 'yan Aldrich?"

- May makulit na komento si Jake Ejercito sa bagong post ni Maris Racal

- Doon makikita ang screengrab sa isang eksena sa 'Can't Buy Me Love', kung saan tila nagkukulitan ang mga karakter nina Maris at Anthony Jennings

- Matatandaang ka-love triangle nina Maris at Anthony ang karakter ni Jake

- Isa ang tambalang SnoRene nina Maris at Anthony sa mga pinakaabangan sa masabing serye na papatapos na

Mabilis na nag-viral ang makulit na komento ni Jake Ejercito sa bagong Instagram post ng kanyang Can't Buy Me Love Co-star na si Maris Racal.

Sa post ni Maris, makikita ang isang eksenang kuha sa nasabing serye kung saang tila nagkukulitan ang karakter nina Maris at Anthony Jennings na sina Snoop at Irene.

Jake Ejercito, sa makulit na larawan nina 'Snoop at Irene': "Selos 'yan Aldrich?"
Jake Ejercito, sa makulit na larawan nina 'Snoop at Irene': "Selos 'yan Aldrich?"
Source: Instagram

"Police may malandi, pakikulong," ang caption ni Maris sa naturang post.

Nang i-repost naman ito ni Jake, nilagyan niya ito ng caption na "Selos yan Aldrich?!"

Read also

Mariel Padilla, nawindang sa prank ni Robin; "What if sabihin ng asawa mo may girlfriend siya?"

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Matatandaang tila love triangle ang karakter nina Maris, Jake at Anthony na isa sa mga pinakaaabangan sa nasabing serye.

Narito ang kabuuan ng post:

Si Juan Emilio Ejercito o mas kilala sa screen name niya bilang si Jake Ejercito ay anak ni dating pangulong Joseph Estrada at ni Laarni Enriquez. Siya ang ama ng panganay na anak ni Andi Eigenmann na si Ellie Ejercito. Naging bahagi siya ng ilang mga serye kagaya ng Marry Me Marry You. Ilan sa mga pelikulang kanyang nagawa ay Coming Home (2020), Pamilya (2018) at Mansyon (2017.)

Ngayon, isa sa mga proyektong kinabilangan ni Jake ang Linlang at Can't Buy Me Love. Siya ang gumaganap bilang si Aldrich, ang boyfriend ng role ni Irene Tiu na ginagampanan ni Maris Racal. Ito ay sa kabila ng love team na SnoRene na hindi inaasahang mag-click at mahalin ng publiko.

Read also

Maris Racal, nag-react sa headline na nagsabing itinodo na raw niya ang kanyang kaartehan

Samantala, sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz, nabanggit ni Jake na thankful umano siya kay Philmar Alipayo na bilang stepdad ng kanyang anak na si Ellie. Alam niyang inaalagaan din umano ni Philmar ang kanyang anak. Wala rin umanong reklamo si Ellie pagdating sa kanyang stepdad. Labis na kinagigiliwan ng publiko ang mga ganap ng mag-ama na naibabahagi ni Jake.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Hot:
Online view pixel