Michael V, pinabulaanang magtatapos na ang "Pepito Manaloto"
- Pinabulaanan ni Michael V ang espikulasyong magtatapos na ang sitcom nila na "Pepito Manaloto"
- Ito ay matapos siyang mag-post kamakailan ng picture nila kasama ang mga kasamahan niya sa naturang show
- Nilinaw ni Michael V na remembrance at appreciation ang sinisimbolo ng naturang picture nila
- Masaya lamang daw sila na sa dami ng kanilang pinagdaanan sa loob ng 14 taon ay magkakasama pa rin sila
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Itinanggi ni Michael V. ang mga balitang ang sikat na GMA comedy series na Pepito Manaloto ay magtatapos na at nasa huling mga episodes na ang pinapalabas nila.
Nilinaw ng aktor-komedyante ang mga ulat sa Abril 20 na pagpapalabas ng 24 Oras Weekend.
“Diretsahang sagot. Hindi. Yung photo naman na lumabas, ‘yung group hug na ‘yun, actually ‘yung photo na ‘yun is ang nire-represent nu’n is ‘yung remembrance, appreciation.”
Sinabi ni Michael V. na masaya lamang sila na patuloy pa rin ang kanilang samahan sa loob at labas ng kamera sa kabila ng mga pagsubok ng pandemya. Sinabi rin niya sa naturang panayam na may "summer special" na silang na-shoot sa Nueva Ecija na magaganap sa lalong madaling panahon.
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
“Natutuwa lang kami na after all these years na after ng pandemic magkakasama pa rin kami,” aniya.
Samantala, sinabi ng kanyang katrabaho na si Manilyn Reynes na nagpapasalamat siya na patuloy na sinusuportahan ng publiko ang palabas matapos ang 14 na taon.
“Naiiyak kami kasi hindi po namin maisip na hanggang ngayon sa tinagal ng ‘Pepito Manaloto,’ 14 years na kami, talagang nandyan sila simula’t simula. Nakakataba ng puso,” aniya.
Lumabas ang espikulasyong huling episode na ng naturang show matapos magbahagi ang mga cast ng mga larawan na nagyayakapan sila. Ito ay nagdulot ng apila ng ilang netizens na ipagpatuloy ang pagpapalabas ng palabas.
Si Beethoven Del Valle Bunagan o mas kilala sa kanyang screen name na Michael V. o Bitoy ay isang actor, comedian, at recording artist. Kabilang sa kanyang mga palabas sa GMA-7 ay Bubble Gang at Pepito Manaloto.
Matatandaang naging usap-usapang si Rendon Labador matapos niyang magkomento kaugnay sa pahayag ni Michael V tungkol sa mga content creator. Ani Michael, ang unang bagay na dapat maintindihan ng mga content creator ang salitang content. Ayon naman kay Rendon, laos na ang mga nasa mainstream media at ang mga influencers na daw ang celebrities sa kasalukuyan. Dagdag pa ni Rendon ay dapat manahimik na lang ang mga celebrities kung hindi nila kayang makipagsabayan sa mga influencers sa paggawa ng content.
Sumagot si Rendon sa mga nagtanggol kay Michael V kasunod ng kanyang pahayag. Muli niyang iginiit na laos na daw ang mga artistang ito at wala raw siyang pakialam. Aniya, kahit magkampihan pa silang lahat at dapat daw tanggapin na nila ang katotohanan. Matatandaang nag-ugat ang isyu matapos maglabas ng pahayag ni Rendon laban kay Michael V kaugnay sa pahayag nito tungkol sa dapat matutunan ng mga content creator.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh