Diwata, naikwentong ang ilang dating nakaalitan; tauhan na niya ngayon sa paresan

Diwata, naikwentong ang ilang dating nakaalitan; tauhan na niya ngayon sa paresan

- Naikwento ni Diwata ang tungkol sa buhay niya noon bago magnegosyo ng paresan

- Aniya, naranasan niyang manirahan sa tulay kung saan tila siya ang namahala sa iba pang mga titira roon

- Sa kasamaang palad, nalaman niyang gumagamit ng droga ang ilan sa mga kasama dahilan para mapaalis niya ang mga ito

- Ito umano ang dahilan bakit lumabas siya sa balita na tila nabugbog ngunit ngayon, ang ilan sa mga taong ito ay kanya pang natulungan magkatrabaho sa kanyang paresan

Sa panayam sa kanya ni Julius Babao, naikwento ni Deo Balbuena o mas kilala bilang si Diwata tungkol sa nag-viral na kuha niya sa balita kung saan sugatan ang kanyang mukha.

Diwata, naikwentong ang ilang dating nakaalitan; tauhan na niya ngayon sa paresan
Diwata, naikwentong ang ilang dating nakaalitan; tauhan na niya ngayon sa paresan (Diwata Pares Overload YT/ Julius Babao unplugged YT)
Source: Youtube

Ayon kay Diwata, alitan umano ito ng mga nakasama niyang tumira sa ilalim ng tulay.

"'Nung time na yun, ako yung nauna sa tulay so 'nung time na yun, ako yung namamahala. Kung may titira naman doon, kailangang magpaalam sa akin"

Read also

Cristy Fermin, inalmahan ang nagkalat na mga fake news: "Naku, mag-ingat po tayo"

"Tapos dumating sa point na mahilig yung mga tokhang tokhang. E nabalitaan ko na nagdo-droga sila dati. So, sabi ko kung hindi niyo mapipigilan yan, wag na kayo rito. Ayaw nilang umalis, nag-away away kami. 'Yun yung time na nakita niyo ako sa news na nasugatan ako dito," pagbabalik-tanaw ni Diwata.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Pero ngayon okay na kami. Actually yung iba nga nandito na nagtatrabaho sa akin," masaya niyang naibahagi.

Katunayan, isa umano ito sa mga pinagdarasal niya, ang bigyan pa siya ng lakas ng Panginoon na palaguin ang kanyang negosyo dahil alam niyang bukod sa maraming tao siyang napapasaya sa mga pagkaing kanyang inihahain, marami rin ang nagkakaroon ng trabaho dahil sa oportunidad ng mga ito sa paresan.

Narito ang kabuuan ng naturang panayam mula Julius Babao Unplugged YouTube:

Read also

Dating tirahan ni Diwata, pinuntahan ng isang vlogger

Si Deo Jarito Balbuena na kilala bilang si Diwata at ang may-ari ng trending at pinipilahang Diwata Pares Overload. Bukod sa abot kaya ang kanyang paninda ay sulit din ito at nakakabusog ayon sa kanyang mga naging customer at bumabalik-balik sa kanyang kainan.

Matatandaang nagbigay ng mensahe si Diwata sa kanyang mga bashers na nagsasabi ng hindi kagandahang mga salita tungkol sa kanya at sa kanyang negosyo. Aniya, hindi madumi ang pagkaing kanyang inihahanda at ang madumi ay ang ugali ng mga bashers na ito. Tinuligsa niya ang kanilang mga saloobin at hinikayat silang linilisin ang ugali ng mga ito. Aniya simple lang ang kanyang layunin at ito ay ang makabangon sa kahirapan.

Kamakailan, matatandaang napanood na si Diwata sa FPJ Batang Quiapo. Sa panayam sa kanya ni Julius Babao, nabanggit ni Diwata na muli pa rin siyang mapapanood sa serye subalit hindi na siya nagbigay ng iba pang mga detalye.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel