Kim at Janine, 'di raw umano nagpansinan sa ASAP ayon sa source ni Ogie Diaz

Kim at Janine, 'di raw umano nagpansinan sa ASAP ayon sa source ni Ogie Diaz

- Hindi raw umano nagpansinan sina Kim Chiu at Janine Gutierrez na parehong nasa "ASAP"

- Ayon sa source ni Ogie Diaz, ang nagbatian at nagkumustahan pa ay sina Janella Salvador at Kim

- Matatandaang nagkaroon din umano ng isyu sina Janella at Kim Chiu kamakailan ngunit naglabas agad si Janella ng pahayag ukol dito

- Kamakailan, naibahagi rin umano ni Ogie na ayon umano sa kanyang source, ay muling naghiwalay na sina Janine at Paulo Avelino

Sa bagong episode ng Ogie Diaz Showbiz Update, natalakay ang tungkol sa umano'y hindi pamamansin sa isa't isa nina Kim Chiu at Janine Gutierrez.

Kim at Janine, 'di raw umano nagpansinan sa ASAP ayon sa source ni Ogie Diaz
Kim at Janine, 'di raw umano nagpansinan sa ASAP ayon sa source ni Ogie Diaz (@janinegutierrez/ @chinitaprincess)
Source: Instagram

Ayon sa source ni Ogie, naganap 'di umano ito nang parehong nasa ASAP ang dalawa.

"Nabalita ito Loi. Pero pwede rin naman nilang i-deny kung hindi totoo. Si Kim CHiu at si Janine Gutierrez, nagkita sa ASAP pero hindi nagbatian"

Read also

Cristy Fermin, inalmahan ang nagkalat na mga fake news: "Naku, mag-ingat po tayo"

Matatandaang nagkaroon din umano ng isyu sina Kim at si Janella Salvador subalit nagkumustahan daw ang mga ito gayung naroon din si Janella sa nasabing show.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"Ang nagbatian daw ay si Janella at si Kim Chiu... Nagkumustahan"

Gayunpaman, paalala ni Ogie na maaring pareho ngang nasa ASAP ang dalawa subalit hindi lamang talaga nagkita.

"Pwedeng hindi nagkibuan o hindi lang talaga nagkita o hindi nagtagpo 'yung kanilang landas"

Matatandaang sa isang episode din ng Showbiz Update channel ni Ogie naibahagi niya ang nalaman sa source na tila naghiwalay na muli sina Janine at Paulo Avelino.

Nabanggit din niyang umaapaw umano ang sweetness nina Paulo at Kim sa set ng What's wrong with secretary Kim subalit kamakailan lang, nabalitaan niya umano sa production staff ng nasabing serye na tila hindi na ganoon ka-sweet ang dalawa tulad sa umpisa.

Read also

Ogie D sa post ni Ella Pangilinan: "Opinyon yan ng kapatid ni Donny at kailangan nating irespeto"

Si Janine Gutierrez ay isang Filipina actress, model, at host.Siya ay anak ng aktres na si Lotlot de Leon at aktor na si Ramon Christopher Gutierrez. Nag-umpisa siya bilang isang Kapuso subalit ngayo'y bumibida na siya sa Kapamilya serye na Dirty Linen. Bumida rin siya sa ilang mga Netflix movies tulad ng Ngayon Kaya kung saan kasama niya si Paulo Avelino.

Kamakailan, naging emosyonal ang guesting niya sa Magandang Buhay nang maikwento niya ang dahilan bakit niya noon gustong mag-artista at ito ay dahil sa kanyang yaya na na-diagnose na may cancer. Sa panayam naman kay yaya Pat na naroon din sa programa, naisiwalat nito na inalala rin niya si Janine nang malaman niya ang kanyang karamdaman.

Samantala, sa kanyang YouTube channel, nagkaroon ng pagkakataon na maging panauhin niya ang kanyang ina na si Lotlot. Doon, kanyang nabanggit na 'pride and joy' niya ang maging anak ni Lotlot at sinamantala na rin niya ang pagkakataong pasalamatan ito.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel