Ogie D sa post ni Ella Pangilinan: "Opinyon yan ng kapatid ni Donny at kailangan nating irespeto"

Ogie D sa post ni Ella Pangilinan: "Opinyon yan ng kapatid ni Donny at kailangan nating irespeto"

- Natalakay sa Ogie Diaz Showbiz Update ang tungkol sa naging post ng kapatid ni Donny Pangilinan

- Pinaniniwalaan kasi ng marami na patungkol di umano ito sa naibahagi kamakailan ni Ogie Diaz

- Ito ay nang maikwento niyang nanligaw umano si Donny kay Kathryn tulad daw nina Alden Richards at Jericho Rosales

- Gayunpaman, maging si Ogie ang nagsabing maaring hindi naman umano tungkol sa kanya ang naturang post

Sa bagong episode ng Ogie Diaz Showbiz Update, natalakay nina Ogie Diaz, Mama Loi at Tita Jegs ang post ng kapatid ni Donny Pangilinan na si Ella Pangilinan Miranda.

Ogie D sa post ni Ella Pangilinan: "Opinyon yan ng kapatid ni Donny at kailangan nating irespeto"
Ella Pangilinan and Donny Pangilinan (@ellapangilinanx)
Source: Instagram

Sa naturang post, maraming nagsasabing tila patungkol umano ito kay Ogie kaugnay ng naibahagi niya mula sa isang source na nanligaw umano si Donny kay Kathryn Bernardo.

At dahil hindi sigurado kung siya nga ang pinatutungkulan ng naturang post, sinabi niyang irespeto umano opinyon ni Ella.

Read also

Kristine Hermosa, bukas sa muling pagtatambal nila ni Jericho Rosales sa tamang proyekto

"Baka naman mahadera tayo dito tapos hindi naman tayo ang tinutukoy," ani Ogie.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Opinyon yan ng kapatid ni Donny at kailangan nating irespeto"

"Pero syempre, iintayin pa rin natin si Donny kung aaminin ba niya o hindi na nanligaw siya o pumorma siya kay Kathryn," giit pa ni Ogie.

Narito ang kabuuan ng kanyang naging pahayag:

Si Donato Antonio "Donny" Laxa Pangilinan ay isa sa mga kinikilalang mahuhusay na aktor ng kanyang henerasyon. Bukod dito, isa rin siyang model at VJ. Anak siya nina Anthony Pangilinan at aktres na si Maricel Laxa.

Nakilala si Donny sa pagganap nila ni Belle Mariano sa hit series na He's Into Her. Masasabing ito ang malaking break sa kanilang tambalan. Sinundan naman ito ng mga pelikula na tumabo rin sa takilya ito ay ang Love is Color Blind, at An Inconvenient Love. Noong 2023, nagkaroon sila ng sarili nilang teleserye, ang Can't Buy Me Love.

Read also

Kim at Janine, 'di raw umano nagpansinan sa ASAP ayon sa source ni Ogie Diaz

Sa nalalapit na pagtatapos ng seryeng ito, hindi napigilang maging emosyonal ni Donny nang pasalamatan at bigyang pugay ang gumanap na kanyang Mamang sa serye na si Nova Villa. Ayon kay Donny, kahanga-hanga ang dedikasyon ng kanyang Mamang at wala umano siyang maisip na ibang pwedeng gumanap sa karakter nito kundi ang kanyang Tita Nova lamang.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel