Angeline Quinto, ikakasal na sa April 25; umano'y buntis na muli ayon sa source ni Ogie D

Angeline Quinto, ikakasal na sa April 25; umano'y buntis na muli ayon sa source ni Ogie D

- Ikakasal na umano si Angeline Quinto sa partner nitong si Nonrev Daquina sa April 25

- Ito ay dalawang araw bago ang 2nd birthday ng kanilang anak na si Baby Sylvio

- Parehong deboto ng Poong Nazareno sina Angeline at Nonrev kaya naman Quiapo church ang napili nilang simbahan

- Nabalitaan din umano ni Ogie Diaz na nagdadalang-tao si Angeline sa second baby nila ni Nonrev

Sa April 25, ikakasal na umano si Angeline Quinto sa partner nitong si Nonrev Daquina.

Angeline Quinto, ikakasal na sa April 25; umano'y buntis na muli ayon sa source ni Ogie D
Angeline Quinto and Nonrev Daquina (@loveangelinequinto)
Source: Instagram

Naibahagi ito ni Ogie Diaz sa kanyang Showbiz Update YouTube channel.

"Ikakasal na ang Queen of Teleserye songs sa partner nitong si Nonrev Daquina Mama Loi. Tulad nga ng naibalita sa PEP, sa darating na Huwebes, April 25 ay magaganap na ang pag-iisang dibdib nina Angeline at Nonrev na parehong deboto ng Nazareno kay anaman ang Quiapo church ang napili nilang simbahan," ani Ogie.

Read also

Jericho Rosales, 'di raw naghahanap ng new love ngayong 2024: "Too early for that"

Bukod dito, kanya ring naibahagi ang nabalitaang buntis umano si Angeline sa second baby nila ni Nonrev.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Samantala, balita ring buntis si Angeline sa second baby nila ni Nonrev... Kung totoo man ito, congratulations Angeline at Nonrev."

Narito ang kabuuan ng kanyang naging pahayag mula sa Ogie Diaz Showbiz Update YouTube:

Si Angeline Quinto ay isang kilalang Filipina singer na tinagurian bilang 'Power Diva'. Una siyang sumikat sa mundo ng entertainment at music scene nang sumali siya sa Star Power: Sharon's Search For The Next Female Pop Superstar. Bukod sa husay niya sa pagkanta, pinasok din ni Angeline ang paggawa ng mge teleserye at pelikula.

Noong pandemya, naging aktibo rin si Angeline sa kanyang YouTube channel na 'Love Angeline Quinto' kung saan mayroon na siyang mahigit 1.5 million subscribers. Doon kasi napanood ang kanyang naging pregnancy journey kay Baby Sylvio maging ang jowa reveal niya kay Nonrev, gayundin ang mga family bonding nila.

Read also

Darren, sa dahilan ng paghihiwalay nila noon ni Kyline: "Misunderstandings talaga"

Samantala, isa si Angeline sa mga aminadong napaiyak ng pelikulang Rewind. Matatandaang maging ang mga bida sa pelikulang ito na sina Marian Rivera at Dingdong Dantes at mga kasama nila sa premiere night ng naturang pelikula ay naging emosyonal din nang mapanood nila ang kabuuan ng ngayo'y highest grossing Filipino film of all time.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel