Luna Agoncillo, napansing bukas ang zipper ng pantalon ng daddy niya

Luna Agoncillo, napansing bukas ang zipper ng pantalon ng daddy niya

- Kinaaliwan ng marami si Luna Agoncillo matapos nitong mapansin na bukas ang zipper ng pantalon ng kanyang daddy habang nasa 'Eat Bulaga'

- Sa pagdiriwang ng kaarawan ni Ryan Agoncillo, naroroon ang kanyang pamilya upang makipagdiwang sa kanya

- Agad na nilapitan ni Luna ang kanyang daddy at pasimpleng sinara ang zipper ng pantalon nito

- Nanlaki naman ang mata nina Judy Ann, Yohan at Lucho sa ginawang ito ni Luna

Marami ang naaliw kay Luna Agoncillo matapos ang kanyang ginawa nang mapansin ang bukas na zipper ng pantalon ng kanyang daddy habang nasa Eat Bulaga sila.

Luna Agoncillo, napansing bukas ang zipper ng pantalon ng daddy niya
Luna Agoncillo, napansing bukas ang zipper ng pantalon ng daddy niya
Source: Youtube

Isang hindi malilimutang sandali ang naganap sa Eat Bulaga habang ipinagdiriwang ang kaarawan ni Ryan. Sa espesyal na araw na ito, hindi lang mga sorpresa ang bumungad kay Ryan kundi pati na rin ang isang nakakaaliw at hindi inaasahang tagpo sa loob ng programa.

Read also

Darren, sa dahilan ng paghihiwalay nila noon ni Kyline: "Misunderstandings talaga"

Kasama sa mga bisita sa naturang episode ang kanyang asawang si Judy Ann Santos at kanilang tatlong mga anak na sina Yohan, Lucho, at Luna. Sa isa sa mga segment ng programa, si Judy Ann ang lumahok sa laro ng "Peraphy" kasama ang ibang host ng Eat Bulaga.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa bandang huli ng kanilang video kung saan binabati nila si Ryan, isang kakaibang eksena ang nangyari. Napansin ni Luna na bukas ang zipper ng pantalon ng kanyang daddy. Agad niyang nilapitan si Ryan at sinara ang zipper nito, at tila nagulat ang ama sa kanyang ginawa.

Ang reaksyon naman ng iba pang mga kasama sa studio, kasama na ang mag-iinang Judy Ann, Lucho, at Yohan, ay nagkatinginan na lang, na nagbigay ng dagdag na katatawanan sa tagpo.

Si Judy Ann Santos is ikinasal kay Ryan Agoncillo. Nagkakilala sila sa shooting ng TV series na Krystala noong 2004. Naging magkarelasyon sila nang sumunod na taon at na-engaged noong 2008. Sila ay mayroong tatlong anak. Sila ay sina Johanna Louis Agoncillo o mas kilala sa pangalang Yohan, Juan Luis Agoncillo o si Lucho at si Juana Luisa Agoncillo o Luna.

Read also

Boy Tapang, nag-sorry sa BSP matapos gumawa ng saranggola gamit ang pera

Matatandaang ibinahagi ni Judy Ann ang kanyang nararanasan bilang isang hands-on na business woman. Sa kabila ng kanyang pagiging abala sa negosyo at pamilya, hindi nito nakakaligtaan ang kanyang tungkulin bilang anak sa kanyang Mommy Carol.

Sa isang Instagram post ni Sharon Cuneta kung saan binahagi niya ang picture ng mga taong naroroon sa meeting de avance, isa si Judy Ann Santos sa nagpahayag ng kanyang suporta. Aniya, kahit hindi sila hayagang nagpapakita ng suporta ay naroroon lang sila para sa kanyang ate. Agad namang sinagot ni Ate Shawee ang komentong ito ni Juday at sinabing alam niyang kasama nila ang buong pamilya ng aktres. Kilalang malapit sina Judy Ann at Sharon maging ang kani-kanilang pamilya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel