Judy Ann Santos, tahimik na sumusuporta sa kanyang ate Sharon Cuneta

Judy Ann Santos, tahimik na sumusuporta sa kanyang ate Sharon Cuneta

- Sa isang Instagram post ni Sharon Cuneta kung saan binahagi niya ang picture ng mga taong naroroon sa meeting de avance, isa si Judy Ann Santos sa nagpahayag ng kanyang suporta

- Aniya, kahit hindi sila hayagang nagpapakita ng suporta ay naroroon lang sila para sa kanyang ate

- Agad namang sinagot ni Ate Shawee ang komentong ito ni Juday at sinabing alam niyang kasama nila ang buong pamilya ng aktres

- Kilalang malapit sina Judy Ann at Sharon maging ang kani-kanilang pamilya

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Hindi man hayagang nagpapakita ng kanilang pagsuporta sa pangangampanya nina Sharon Cuneta, sinibai ni Judy Ann Santos sa kanyang ate Shawee na nakasuporta silang mag-anak. Aniya Sharon, alam niyang kasama nila sina Juday at ang pamilya nito.

Judy Ann Santos, tahimik na sumusuporta sa kanyang ate Sharon Cuneta
Judy Ann Santos-Agoncillo (@officialjuday)
Source: Instagram

Sa isang Instagram post ay binahagi ni Sharon ang picture na kuha niya mula sa pagtitipon ng mga supporters ng tambalang VP Leni Robredo at Sen. Kiko Pangilinan. Ito ay sa ginanap na meeting de avance ngayong araw sa Makati.

Read also

Kandidato, pasok sa konseho matapos na lumamang lang ng isa sa kalaban

Isa si Judy Ann sa nagpahayag ng kanyang suporta. Base sa kanyang komento, hindi man sila nag-iingay sa pagpapakita ng kanilang suporta, kasama umano sila sa laban ng kanyang ate.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nakakaiyak ate… andito kami.. kahit tahimik.. andito kami..

Agad namang sinagot ni Ate Shawee ang komentong ito ni Juday at sinabing alam niyang kasama nila ang buong pamilya ng aktres.

@officialjuday Mahal na mahal namin kayo sis! Kasama namin kayo ni Rye at ang mga bata, walang kadudaduda. I love you my sister.

Kilalang malapit sina Judy Ann at Sharon maging ang kani-kanilang pamilya.

Si Judy Ann Santos is ikinasal kay Ryan Agoncillo. Nagkakilala sila sa shooting ng TV series na Krystala noong 2004. Naging magkarelasyon sila nang sumunod na taon at na-engaged noong 2008. Sila ay mayroong tatlong anak. Sila ay sina Johanna Louis Agoncillo o mas kilala sa pangalang Yohan, Juan Luis Agoncillo o si Lucho at si Juana Luisa Agoncillo o Luna.

Kamakailan ay ibinahagi ni Judy Ann ang kanyang nararanasan bilang isang hands-on na business woman. Sa kabila ng kanyang pagiging abala sa negosyo at pamilya, hindi nito nakakaligtaan ang kanyang tungkulin bilang anak sa kanyang Mommy Carol.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel