Dahlia Heussaff at Sarina Hilario, kinaaliwan sa kanilang pagpakitang-gilas

Dahlia Heussaff at Sarina Hilario, kinaaliwan sa kanilang pagpakitang-gilas

- Kinaaliwan sina Dahlia Amelie Heussaff at Sarina Oceanía Hilario sa video na binahagi ni Vice Ganda

- Kuha ito sa birthday celebration kamakailan ni Vice sa Highland Bali Villas Resort and Spa sa Nueva Ecija

- Makikita sa video na sumasayaw si Sarina at tila nagba-ballet habang pinapalakpakan siya ng mga nanonood sa kanya kabilang na si Anne Curtis na kasama ang anak na si Dahlia

- Natawa sila lalo nang biglang magtaas naman ng paa si Dahlia na tila nagpakitang-gilas din kagaya ni Sarina

Kinaaliwan ang dalawang batang pinag-uusapan ngayon sa social media matapos mapanood ang kanilang nakakatuwang pagpakitang-gilas sa isang video na ibinahagi ni Vice Ganda.

Dahlia Heussaff at Sarina Hilario, kinaaliwan sa kanilang pagpakitang-gilas
Dahlia Heussaff at Sarina Hilario, kinaaliwan sa kanilang pagpakitang-gilas
Source: Youtube

Ang naturang eksena ay kuha sa kaarawan ni Vice kamakailan sa Highland Bali Villas Resort and Spa sa Nueva Ecija. Sa nasabing video, kitang-kita ang pagpapakitang-gilas ng talento ni Sarina Oceanía Hilario, na tila nagba-ballet habang sumasayaw sa harap ng mga bisita, kabilang na si Anne Curtis at ang kanyang anak na si Dahlia Amelie Heussaff.

Read also

Juan Karlos Labajo, nagtamo ng injury matapos ang show sa Orani, Bataan

Habang pinapalakpakan si Sarina ng mga nanonood, biglang nagpakitang-gilas din si Dahlia sa kanyang sariling paraan na nagdulot ng tawanan at aliw sa mga naroroon.

Parehas na inaanak ni Vice Ganda ang mga anak nina Jhong Hilario at Anne Curtis.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ang naturang video ay agad na nag-viral at nagbigay ng tuwa sa maraming netizens, na pinuri ang kagandahan at katalinuhan ng dalawang batang ito. Patuloy silang pinag-uusapan at sinusuportahan ng kanilang mga tagahanga sa kanilang mga nakakatuwang mga eksena sa social media.

Si Jhong Hilario ay unang nakilala bilang miyembro ng grupong Streetboys kasama si Vhong Navarro na kasalukuyan niya ring kasama sa noontime show na It's Showtime.

Matatandaang ibinida ni Jhong ang video nila ng anak niyang si Sarina sa kanyang Instagram post. Makikita ang mag-ama na nakaupo sa tapat ng isang piano habang nagpipindot si Sari habang kumakanta. Sa caption ng naturang post ni Jhong ay sinabi niyang "Tong Tong Tong" at "Do Re Mi" mashup ang kinanta ng anak. Marami ang naaliw at natuwa sa pagiging biba ng anak ni Jhong na tinatawag niya ding Sample Princess hango sa bansag sa kanya bilang Sample King.

Read also

Brenda Mage, ibinida ang picture kasama ang afam: "Dito ko lang pala sya mahahanap sa Singapore"

Kinaaliwan ang post ni Jhong na video kung saan makikita ang pagkanta ng anak niyang si Sarina. Habang nakahiga ay pinakanta ni Jhong ang anak ng awiting "Moon River" at agad namang itong sumunod. Malimit na magbahagi si Jhong ng video ng kanyang anak na talaga namang kinaaliwan ng netizens dahil sa pagiging biba nito. Kamakailan lang ay nagdiwang ng kanyang unang kaarawan ang anak ni Jhong at ng partner niyang si Maia Leviste Azores.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel