Francine Diaz, nag-sorry sa maling pagbigkas niya sa pangalan ng boy band na TXT

Francine Diaz, nag-sorry sa maling pagbigkas niya sa pangalan ng boy band na TXT

- Humingi ng dispensa si Francine Diaz sa fans ng boy band na Tomorrow X Together o TXT

- Ito ay matapos niyang mabanggit ito bilang "Tomorrow Times Together" nang mag-present siya ng award sa Tomorrow X Together sa ginanap na Asia Star Entertainer Awards

- Kasunod ng kanyang pagkakamali ay nag-trend sa X ang Tomorrow Times Together at marami sa mga fans ng TXT ang naaliw kay Francine

- Nagpasalamat naman ang aktres na sa kabila ng pagkakamali niya ay hindi ito ginawang 'big deal' ng fans ng TXT

Usap-usapan si Francine Diaz sa ginanap na Asia Star Entertainer Awards matapos niyang mag-present ng award para sa boy band na "Tomorrow X Together" na kanyang nabanggit bilang "Tomorrow Times Together." Agad namang humingi ng dispensa si Francine sa fans ng TXT.

Francine Diaz, nag-sorry sa maling pagbigkas niya sa pangalan ng boy band na TXT
Francine Diaz, nag-sorry sa maling pagbigkas niya sa pangalan ng boy band na TXT
Source: Instagram

Ang "TOMORROW TIMES TOGETHER" ay nagtrending sa X (dating kilala bilang Twitter) sa Pilipinas matapos ang pagbibigay ng parangal ni Francine sa South Korean boy group na Tomorrow X Together sa Asia Star Entertainer Awards.

Read also

Melai, hinangaan sa pagrespeto sa anak na ayaw pang magka-baby number 3

Bagamat nagdulot ito ng kaaliwan sa mga netizens, nagpakumbaba si Francine at humingi ng dispensa sa mga tagahanga ng Tomorrow X Together. Pinasalamatan din niya ang mga ito dahil sa pag-unawa at pagtanggap ng kanyang pagkakamali, at sa hindi pagpapalaki sa insidente.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Francine Diaz ay unang sumikat sa teleseryeng Kadenang Ginto kung saan nakasama niya sina Andrea Brilliantes, Kyle Echarri at Seth Fedelin. Sila Kyle at Francine ay unang itinambal sa naturang teleserye kung saan nabuo ang tambalang kung tawagin ay "KyCine" na mula sa pinagsamang pangalan ng dalawa.

Kabilang si Francine sa mga kinilig sa K-drama star na si Kim Soo Hyun matapos niya itong makita nang personal. Pumunta siya sa Mall of Asia Arena para dumalo sa meet and greet event ng K-drama star. Nakaharap niya ito nang malapitan at nakatanggap pa ng isang poster mula sa It's Okay to Not Be Okay star. Hindi nito maitago ang kanyang kilig sa kanyang binahaging picture na kuha nang magkaharap sila.

Read also

Sarah Lahbati, naniniwala sa karma: ‘You don't get peace by seeking revenge’

Kamakailan ay kinaaliwan sina Luis Manzano at Francine sa isang episode ng YouTube show ni Luis na "Luis Listens." Masayang sinagot ng aktres ang mga katanungan ni Luis na mayroong seryoso at marami ring mga patawang mga tanong. Marami ang naaliw at natuwa dahil nasasabayan ni Francine ang pagiging palabiro ni Luis. Sa katunayan ay marami sa mga viewers ng vlog ni Luis ay humihiling ng kasunod pang video na magkasama sila ng dalaga.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Hot:
Online view pixel