Brandy Ayala, muling kinamusta ni Morly Alinio matapos ang apat na buwan

Brandy Ayala, muling kinamusta ni Morly Alinio matapos ang apat na buwan

- Binahagi ni Morly Alinio ang panibagong video kung saan kinamusta niya ang dating aktres na si Brandy Ayala

- Nasa pangangalaga ito ng 'Safe Haven' sa Cebu at mas maayos na ang kalagayan nito

- Hindi maitago ni Morly ang kanyang saya na makitang umaayos na ang dating aktres at unti-unti nang nakakausap

- Matatandaang sa naunang video ni Morly ay lumalayo ito sa mga tao at hindi makausap dahil nagagalit

Kinamusta ni Morly Alinio si Brandy Ayala. Matapos ang ilang buwan ng pagkalat ng balita tungkol sa dating aktres ay mas maayos na ang lagay nito sa kasalukuyan.

Brandy Ayala, muling kinamusta ni Morly Alinio matapos ang apat na buwan
Brandy Ayala, muling kinamusta ni Morly Alinio matapos ang apat na buwan
Source: Youtube

Sa paglipas ng apat na buwan, malaki ang pagbabagong naganap sa buhay ni Brandy.

Malaki na ang pinagbago sa kanyang pisikal na anyo. Sa tulong ng mga organisasyon tulad ng 'Safe Haven' at BAI foundation ay nabigyan ng sapat na suporta si Brandy upang makabangon mula sa kanyang dating kalagayan.

Read also

Carmina Villarroel at Cassy Legaspi, usap-usapan dahil sa kanilang cryptic posts

Subalit hindi lamang sa pisikal na anyo nagaganap ang pagbabago. Nagkaroon na rin ng positibong pagbabago sa kanyang kaisipan. Naobserbahan na si Brandy ngayon ay sumasagot na kapag tinatanong at may ngiti na sa kanyang mga labi.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Ang pagbabagong ito ay nagpapatunay na sa pamamagitan ng tamang suporta at pagmamahal mula sa komunidad at mga organisasyon tulad ng 'Safe Haven' at BAI foundation, posible ang pagbangon at pagbabago ng mga taong nasa kalagayan tulad ni Brandy. Ang pagbabagong ito ay hindi lamang nagbibigay inspirasyon sa kanya, kundi maging sa mga taong nagbibigay ng tulong at suporta sa kanya.

Noong dekada '80, sumikat si Brandy Ayala bilang isa sa "Liquor Beauties," matapos siyang makilala sa pamamagitan ng kontrobersyal na talent manager na si Rey dela Cruz. Pagkatapos ng mga halos dalawang dekada, naging laman ng mga television talk show at public service program si Brandy dahil sa kanyang pagiging palaboy-laboy sa Divisoria, kung saan siya'y namamalimos at humihingi ng pagkain.

Read also

Teddy Corpuz, nagbahagi ng mensahe: "Nakakapangit ng mukha at ugali ang pagiging bitter"

Matatandaang pinuntahan ni Morly Alinio ang lugar kung saan naninirahan ang 80's star na si Brandy. Ikinabigla niya raw na makitang lalong lumala ang kalagayan nito dahil naibenta na ang bahay nila at kung saan-saan na lang siya natutulog. Sa basurahan daw ito naghahanap ng kanyang makakain at wala pa rin sa katinuan ang dating aktres. Matatandaang napabalita noon na ang dahilan nito ay ang pag-gamit niya ng pinagbabawal na gamot.

Maging ang dating child star na si Jiro Manio ay nasira din ang showbiz career dahil sa pinagbabawal na gamot. Isa na ngayong co-facilitator si Jiro sa isang rehabilitation center sa Bataan. Ito umano ang isa sa mga pinagdalhan sa kanya noon, nang siya ay nalulong sa ipinagbabawal na gamot. Bagama't nami-miss ang pamilya, maayos ang pamumuhay ni Jiro na malaki umano ang pinagbago. Hanggang ngayo'y labis pa rin ang pasasalamat niya sa tumayo sa kanya bilang ina na si Aiai Delas Alas.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel