Teddy Corpuz, nagbahagi ng mensahe: "Nakakapangit ng mukha at ugali ang pagiging bitter"

Teddy Corpuz, nagbahagi ng mensahe: "Nakakapangit ng mukha at ugali ang pagiging bitter"

- Nagbahagi si Teddy Corpuz ng napapanahong mensahe patungkol sa pagpapatawad

- Sa kanyang post sa X, sinabi ni Teddy na mas magaan sa pakiramdam, puso, at sa konsensiya kapag nagpapatawad

- Aniya, pagtuunan ng pansin ang kalagayan at diskarte at huwag ikumpara ang katayuan sa katayuan ng iba

- Dagdag pa ng It's Showtime host, nakakapangit ng mukha at ugali ang pagiging bitter

Nagpost si Teddy Corpuz ng isang napapanahong mensahe sa kanyang social media account. Sa kanyang post, ipinahayag niya ang kahalagahan ng pagpapatawad sa mga taong nagkasala sa atin.

Teddy Corpuz, nagbahagi ng mensahe: "Nakakapangit ng mukha at ugali ang pagiging bitter"
Teddy Corpuz, nagbahagi ng mensahe: "Nakakapangit ng mukha at ugali ang pagiging bitter"
Source: Instagram

Ayon kay Teddy, mahalaga na matutuhan natin ang pagpapatawad dahil ito ay nagdudulot ng kaginhawaan sa ating damdamin at konsensiya. Binigyang-diin niya na ang pagpapatawad ay nagpapagaan sa puso at nagpapakaluwag ng loob.

Dagdag pa niya, mahalaga rin na mag-focus tayo sa ating sariling kalagayan at diskarte sa buhay nang hindi iniisip ang mga pangyayari sa ibang tao. Ipinapaalala niya na ang pagkukumpara ng ating sarili sa iba ay maaaring magdulot ng pangit na mukha at ugali, at maaring humantong sa pagiging bitter.

Read also

Diwata sa kanyang bashers: "Alam mo ang madumi? Mga ugali n’yo"

Learn to forgive. Mas magaan sa pakiramdam, puso, at sa konsensiya. Focus ka lang sa kalagayan at diskarte mo at huwag ikumpara ang katayuan mo sa katayuan ng iba. Nakakapangit ng mukha at ugali ang pagiging bitter. Forgive par! Love! Love!

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Teddy Corpuz ay isang kilalang Filipino singer, songwriter, at host sa industriya ng telebisyon sa Pilipinas. Siya ay kilala sa kanyang pagiging isa sa mga miyembro ng sikat na banda na "Rocksteddy." Bukod sa kanyang pagiging musikero, si Teddy ay bahagi rin ng mga programa sa telebisyon, kabilang na ang pagiging host sa "It's Showtime."

Matatandaang emosyonal si Kim Chiu maging ang kanyang mga co-hosts sa It's Showtime matapos niyang banggitin ang tungkol sa kantang ginawa ni Teddy Corpus. Isa lamang ang kantang "Laban" sa kinanta nila para sa Magpasikat performance ng grupo nila nina Teddy at Jugs Jugueta noong 2022. Ani Kim, ang kantang iyon ay para sa taong aniya ay miss na miss nilang lahat. Sagot naman ni Vice, nabasa umano ng taong tinutukoy nila ang mensahe nila Kim kaya alam umano ni Vice na masaya ito sa ginawa ng mga kaibigan para sa kanya.

Read also

Carmina Villarroel at Cassy Legaspi, usap-usapan dahil sa kanilang cryptic posts

Kamakailan ay nagbahagi ng mensahe si Teddy para sa lahat. Wala itong pinangalanang tao pero ito ay tungkol sa mga taong pinag-aaway sila ng kanilang katpat na noontime show. Mungkahe niya suportahan na lang pareho at kung hindi gusto ng isa ang palabas, ay lumipat na lang o maghanap ng iba. Binanggit din ni Teddy na pareho silang nagtatrabaho upang pasayahin ang mga tao kaya't talagang walang dahilan upang sirain ang iba.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel