Ogie Diaz sa sagutang PK at Miss Grace: "Parang nakaka-stress na din"
- Nagbahagi ng kanyang opinyon si Ogie Diaz kaugnay sa sagutan ng dating mag-asawang Pambansang Kolkoy at Miss Grace
- Pinahayag ni Ogie na tila nakaka-stress na rin ang kanilang sagutan sa social media
- Nagmungkahe siyang sa pagresolba ng mga isyu sa pamamagitan ng tamang mga hakbang at iyon ay ang pag-uusap sa korte
- Matatandaang kamakailan ay naging mainit na usapin ang tungkol sa sagutan ng dating mag-asawa
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Nagpahayag ng kanyang opinyon ang kilalang talent manager na si Ogie Diaz sa mga patuloy na sagutan ng dating mag-asawang sina Pambansang Kolokoy at Miss Grace sa social media.
Sa kanyang pahayag, sinabi ni Diaz kung pwede sa korte na lamang nila pag-usapan ang kanilang problema.
"Parang nakaka-stress na din ang sagutan ni Ms. Grace at Pambansang Kolokoy. Pwede ba pag-usapan niyo na lang sa korte yan? Ginagawa niyo pang hurado yung mga netizen. Dumagdag pa talaga kayo sa pagkabwisit ko kay Morpheus."
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Bilang isang kilalang personalidad sa industriya ng showbiz at media, ang opinyon ni Ogie ay may malaking impluwensiya sa mga tagahanga at netizens. Ang kanyang pahayag ay nagbigay-diin sa kahalagahan ng pagiging maingat at maayos sa pagsasalita, lalo na sa mga situwasyon na may kinalaman sa personal na buhay at relasyon.
Ang content creator na si Joel Mondina o mas kilala bilang Pambansang Kolokoy ay nakilala sa kanyang mga nakakaaliw na mga online videos. Isinilang siya sa La Union at lumaki sa Baguio City kasama ang kanyang lolo at lola. Taong 1994 nang lumipat siya sa US para makasama ang kanyang mga magulang na OFW.
Matatandaang naglabas si Pambansang Kolokoy ng isang panibagong video na kanyang pinamagatang 'Buwelta.' Dito ay sinabi niyang gusto niyang sagutin ang aniya'y kumakalat na balita sa ngayon. Kabilang sa kanyang mga sinagot sa naturang vlog ay ang paggastos daw niya ng pera ng anak niya. Idinaan ni PK ang kanyang kasagutan sa pamamagitan ng pakikipag-usap sa kasamahan niya sa Batang Quiapo na si Hap Rice.
Samantala, nakasama ni Pambansang Kolokoy ang kanyang mama sa kanyang vlog. Sa intro ng kanyang video ay sinabi ng mag-ina dahil may mga gusto daw siyang linawin sa mga lumabas na bali-balita. Gayunpaman, hindi din naman natuloy ang kanyang pagsasalita dahil tinawag siya at hindi na bumalik sa video.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh