Pambansang Kolokoy, pinakita ang screenshot ng umano'y mensahe ng anak niya

Pambansang Kolokoy, pinakita ang screenshot ng umano'y mensahe ng anak niya

- Naglabas si Pambansang Kolokoy ng video kung saan sinagot niya ang naging panayam kay Miss Grace

- Dito ay sinagot niya ang pahayag ni Miss Grace tungkol sa tanong kung malapit ang mga anak nila ni PK sa asawa nito sa kasalukuyan

- Binahagi niya ang screenshot ng mensahe ng isa sa kanilang anak na nagpapakita ng pagiging concern nito sa asawa ni PK

- Aniya, huwag gagamitin ang mga bata sa kanilang problema

Sinagot ni Pambansang Kolokoy ang isang panayam kay Miss Grace kung saan natanong sa kanya kung mabait ba daw sa kanilang mga anak ang asawa ni PK sa kasalukuyan.

Pambansang Kolokoy, pinakita ang screenshot ng umano'y mensahe ng anak niya
Pambansang Kolokoy, pinakita ang screenshot ng umano'y mensahe ng anak niya
Source: Youtube

Ani Miss Grace, dahil nababasa niya ang mga text messages ng mga bata, sinabi niyang hindi daw malapit ang mga bata sa asawa ng ex niya.

Pinakita ni PK sa naturang video ang screenshot ng umano'y mensahe ng isa sa kanilang anak na miss na miss na raw sila.

Read also

PK sa anak na si CJ: "I hope you make the right decisions in life"

Aniya, huwag na daw sana gamitin ang kanilang anak sa kung anumang problema nila.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Matatandaang naging usap-usapan kamakailan ang naging pahayag ng anak nila na naibahagi ni Miss Grace sa kanyang social media.

Ang content creator na si Joel Mondina o mas kilala bilang Pambansang Kolokoy ay nakilala sa kanyang mga nakakaaliw na mga online videos. Isinilang siya sa La Union at lumaki sa Baguio City kasama ang kanyang lolo at lola. Taong 1994 nang lumipat siya sa US para makasama ang kanyang mga magulang na OFW.

Matatandaang naglabas si Pambansang Kolokoy ng isang panibagong video na kanyang pinamagatang 'Buwelta.' Dito ay sinabi niyang gusto niyang sagutin ang aniya'y kumakalat na balita sa ngayon. Kabilang sa kanyang mga sinagot sa naturang vlog ay ang paggastos daw niya ng pera ng anak niya. Idinaan ni PK ang kanyang kasagutan sa pamamagitan ng pakikipag-usap sa kasamahan niya sa Batang Quiapo na si Hap Rice.

Read also

Serena Dalrymple, ibinahagi ang pasilip sa anak nila ni Thomas Bredillet

Samantala, nakasama ni Pambansang Kolokoy ang kanyang mama sa kanyang vlog. Sa intro ng kanyang video ay sinabi ng mag-ina dahil may mga gusto daw siyang linawin sa mga lumabas na bali-balita. Gayunpaman, hindi din naman natuloy ang kanyang pagsasalita dahil tinawag siya at hindi na bumalik sa video.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel