Pokwang kay Lee O'Brian: "Panay lang party at golf, mag support ka hoy!"

Pokwang kay Lee O'Brian: "Panay lang party at golf, mag support ka hoy!"

- Nagkomento si Pokwang sa isang post ng abugado tungkol sa child support

- Sa naturang post ay nabanggit ng abogado ang obligasyon ng ama na tumulong sa gastusin sa pag-aaral ng anak kahit pa lagpas na ito sa 18 taon

- Diretsahan namang binanggit ni Pokwang ang IG handle ng ex at sinabihan itong mag-sustento at panay party at golf lang daw ito

- Matatandaang sa kanyang mga naging panayam ay sinabi ni Pokwang ang tungkol sa kakulangan ng ex pagdating sa pagsustento sa kanilang anak

Diretsahang binanggit ni Pokwang sa kanyang komento ang Instagram handle ng kanyang ex na si Lee O'Brian. Sinabihan itong mag-sustento at panay party at golf lang daw ito.

Pokwang kay Lee O'Brian: "Panay lang party at golf..Mag support ka hoy!"
Pokwang kay Lee O'Brian: "Panay lang party at golf..Mag support ka hoy!"
Source: Instagram

Nagpasalamat siya sa video na binahagi ng isang abogado tungkol sa pagsusustento.

Maraming netizens ang nagpahayag ng kanilang suporta at pag-unawa sa sitwasyon ni Pokwang habang ang iba naman ay nagpahayag ng kanilang sariling opinyon at pananaw hinggil sa usaping ito.

Read also

Sarah Lahbati, "NR" ang sagot nang tanungin tungkol sa pag-uugnay kay Richard at Barbie

Pokwang kay Lee O'Brian: "Panay lang party at golf..Mag support ka hoy!"
Pokwang kay Lee O'Brian: "Panay lang party at golf..Mag support ka hoy!"
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Pokwang o Marietta Subong o sa totoong buhay ay kilala bilang isang komedyante, TV host at performer. Naging bahagi siya ng ilang palabas kagaya ng Wowowee, Pilipinas Win na Win at Happy Yipee Yehey kung saan siya ay isa sa mga naging host. Ipinanganak niya si Francine Malia O'Brian sa Antipolo City noong January 18, 2018. Siya ang naging bunga ng pagmamahalan nila ng Amerikanong si Lee O'Brian.

Matatandaang kinumpirma ng malapit na kaibigan ni Pokwang na si Ogie Diaz ang tungkol sa paghihiwalay nila ni Lee. Matagal na niya umanong alam ang tungkol dito ngunit bilang respeto kay Pokwang ay hindi niya ito nababanggit sa kanyang Showbiz Update. Gayunpaman, dahil lumabas na rin ang balita ay minabuti niyang linawin ang balita para hindi na rin umano magsanga-sanga ang isyu. November pa noong nakaraang taon umano nagkahiwalay ang dalawa at kasalukuyang nakatira sa bukod na bahay si Lee.

Read also

Anne Curtis, muling kinaaliwan sa kanyang bulol moment

Nag-post si Lee ng picture ng kanyang anak na si Malia O'Brian sa gitna ng paglabas ng balita tungkol sa paghihiwalay nila ni Pokwang. Tinawag niyang angel ang kanyang anak na si Malia na kanyang pinasalamatan sa umano'y pagpapangiti nito sa kanya. Sa kabila ng kanilang paghihiwalay ay tuloy na nagbabahagi si Lee ng mga pictures nilang mag-ama na tumutugma sa pahayag ni Pokwang na nakakapunta si Lee sa kanila upang makasama ang anak. Nauna na ring nilinaw ni Pokwang na walang third party na sangkot sa kanilang desisyon na maghiwalay.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel