AlDub Nation, umalma sa sweetness nina Kathryn Bernardo at Alden Richards

AlDub Nation, umalma sa sweetness nina Kathryn Bernardo at Alden Richards

- Lumikha ng ingay ang sweet na video nina Kathryn Bernardo at Alden Richards sa kasalukuyan

- Marami ang kinilig sa tambalang Alden at Kathryn ngunit meron ding mga kumontra

- Ito ang tagahanga ng tambalang Maine Mendoza at Alden na kilala bilang AlDub Nation

- Kaya naman, trending sa X ang AlDub kasabay ng pag-trending ng video nina Alden at Kathryn

Kinontra ng AlDub Nation ang kasweetan nina Kathryn Bernardo at Alden Richards. Kasabay nga ng pag-viral ng video nina Kathryn at Alden ay ang pagtrending din ng AlDub sa X.

AlDub Nation, umalma sa sweetness nina Kathryn Bernardo at Alden Richards
AlDub Nation, umalma sa sweetness nina Kathryn Bernardo at Alden Richards
Source: Instagram

Habang ang ilan ay nagpakita ng suporta at pagtanggap sa bagong pairing, hindi maiiwasan na ang ilan ay naging maligalig at nagdulot ng malalim na pagdaramdam sa bagay na ito.

Ang AlDub nation, na kilala sa kanilang matinding dedikasyon at pagmamahal sa kanilang mga idolo, ay patuloy na nagbabahagi ng kanilang mga opinyon at damdamin sa social media, nagpapakita ng kanilang mga pangarap at pangamba sa mga nagaganap na pangyayari.

Read also

Pokwang kay Lee O'Brian: "Panay lang party at golf, mag support ka hoy!"

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ilan sa mga komento ay ang mga sumusunod:

“Gurl, mag-isip-isip ka. If you have self-respect, huwag ka pumatol sa may asawa’t mga anak.”
“Kahit ano pang ilabas nila, sa totoo lang kami... Ang mag-asawa ay sina Maine at Richard w/ 3 beautiful kids.”

Si Kathryn Bernardo ay isang kilalang artista sa industriya ng showbiz sa Pilipinas. Ipinanganak noong March 26, 1996, siya ay nagsimulang magtrabaho sa larangan ng pag-arte noong bata pa lamang siya. Kilala siya sa kanyang mga pagganap sa mga teleserye at pelikulang Pilipino. Bumida si Kathryn sa iba't ibang proyekto tulad ng "Princess and I," "Got to Believe," at "Pangako Sa 'Yo."

Matatandaang puring-puri ni Alora Sasam ang pagiging professional ng kanyang kaibigang si Kathryn Bernardo. Kalakip ito ng video ng dance cover ni Kathryn ng nauusong sayaw na "Water". Sinagot ni Alora ang isang netizen na nagsabing dapat ay payuhan ni Alora sina Kathryn at Daniel at huwag manghimasok. Ani Alora, kung alam lang nito ang kanyang nalalaman ay iba ang magiging komento nito.

Read also

Sarah Lahbati, "NR" ang sagot nang tanungin tungkol sa pag-uugnay kay Richard at Barbie

Usap-usapang muli sina Kathryn at Daniel Padilla matapos mapansin ng netizens na naka-unfollow na sa Instagram si Kathryn sa ex niyang si DJ. Ito ay matapos ang isa’t-kalahating buwan mula nang isapubliko nila ang tungkol sa kanilang paghihiwalay. Gayunpaman, sa kasalukuyan ay naka-follow pa rin si Daniel sa aktres na nakasama niya din kamakailan sa kasal ni Robi Domingo at Maiqui Pineda. Namamataang maayos na magkausap ang dalawa sa kabila ng kanilang paghihiwalay.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel