Dominic Roque, pinusuan ang Instagram post ni Bea Alonzo
- Kabilang si Dominic Roque sa mga pumuso sa post ni Bea Alonzo kung saan binahagi niya ang kanyang pictures nitong nagdaang buwan ng Marso
- Ang pag-like ni Dominic sa Instagram post ng kanyang dating kasintahan ay agad naging usap-usapan lalo ng ng mga taong umaasa pa rin na magkakabalikan sila
- Ito ay sa gitna ng espikulasyong nagkaayos at nagkabalikan na silang dalawa
- Matatandaang sa pamamagitan ng isang post ay isinapubliko nila ang tungkol sa paghihiwalay nila
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Kabilang si Dominic Roque sa nag-like sa post ni Bea Alonzo. Ang pag-like ni Dominic sa Instagram post ni Bea ay nagdulot ng spekulasyon sa online world.
Sa isang Instagram post ay pinasilip ni Bea ang kanyang mga pictures nitong nagdaang buwan.
Sa kabila ng pagiging mga dating magkasintahan, ang pag-like ni Dominic sa post ni Bea ay agad nagpapakita ng pagiging maayos at respeto sa kanilang nakaraan.
Gayunpaman, hindi maiiwasan na magdulot ito ng mga espikulasyon sa publiko, lalo na't ang kanilang relasyon ay patuloy na nasa sentro ng interes ng mga tagahanga nila.
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Matatandaang sa pamamagitan ng isang post ay isinapubliko nila ang tungkol sa paghihiwalay nila. Marami sa kanilang tagahanga ang nalungkot lalo at engaged na sana ang magkasintahan.
Si Bea Alonzo ay nakilala sa husay niya sa pag-arte. Isa siya sa pinakahinangaang katambal ni John Lloyd Cruz. Ilan sa kanilang blockbuster na pelikula ay One More Chance, Miss You Like Crazy, at A Second Chance.
Umamin siyang naranasan niya ang tinatawag na pag-"drunk dial" sa kanyang ex ngunit isang beses lang umano ito nangyari. Agad din niyang sinabi na gusto niyang linawin na hindi ito ang kanyang pinakahuling ex. Aniya, naka-block na kaagad ang ex na ito kaya hindi mangyayari na matawagan niya ito nang lasing siya. Si Gerald Anderson ang ex-boyfriend ni Bea Alonzo na hindi lingid sa kaalaman ng publiko dahil sa kontrobersiyal na hiwalayan nila.
Sinagot ni Beatriz Saw ang komento ng isang netizen tungkol sa opinyon niya matapos ang kumpirmasyon sa hiwalayang Bea at Dominic Roque. Ayon sa netizen na ito, masyadong mataas ang tingin ng tao kay Bea dahil meron siyang lupain. Dagdag pa nito, kahit gaano kayaman ang tao kung may 'something' daw sa character ay hindi talaga papakasalan ng lalaki. Sagot naman ni Beatriz ay wala namang something sa character ng kaibigan niyang si Bea.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh