Pambansang Kolokoy: "Hanggang kailan mo sasabihing I cheated on you?"

Pambansang Kolokoy: "Hanggang kailan mo sasabihing I cheated on you?"

- Naglabas ng saloobin si Pambansang Kolokoy kaugnay sa aniya'y non-stop na pagpaparinig sa kanya

- Aniya, sa tagal na nilang paghihiwalay ng kanyang ex ay wala na siyang kung anong parinig o pagbabanggit tungkol sa kanila maliban lang sa kanyang pagpapa-interview

- Hindi na raw niya pinapanood ang mga video ng ex dahil na-block niya na raw ito pero dahil daw sa kanyang mga supporters ay nalalaman niya ang tungkol sa sinasabi tungkol sa kanya

- Halos wala na raw siyang kitain sa social media dahil sa pagpapabagsak daw ng ex niya kaya minabuti niya raw manatili dito sa Pilipinas para makapag-raket

Nag-post si Pambansang Kolokoy ng video kung saan naghayag siya ng sama ng loob sa kanyang ex na aniya ay nagtagumpay na pabagsakin siya sa social media. Aniya, kahit matagal na silang hiwalay ay palagi daw itong nagpaparinig.

Read also

Ivana, nagkunwaring sampaguita vendor; namahagi ng x1000 na biyaya sa mga bumili

Pambansang Kolokoy: "Hanggang kailan mo sasabihing I cheated on you?"
Pambansang Kolokoy: "Hanggang kailan mo sasabihing I cheated on you?"
Source: Facebook

Dahil bumagsak na raw siya sa social media ay minabuti niyang manatili sa Pilipinas para makapagtrabaho siya para makapag-sustento sa kanilang anak.

Pinabulaanan niya rin ang tungkol sa utang daw niya.

Bago pa raw niya iniwan ang ex ay nag-file na daw ito ng divorce. Kinansel lang daw niya ito nang malamang may nakakausap na siyang iba.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Bago pa kita iniwan, nag file ka na ng divorce. Kaso nung nalaman mong nakikipag-date na ako, may kinakausap na ako, kinansel mo yang divorce na yan. Yan ang katotohanan.

Ang content creator na si Joel Mondina o mas kilala bilang Pambansang Kolokoy ay nakilala sa kanyang mga nakakaaliw na mga online videos. Isinilang siya sa La Union at lumaki sa Baguio City kasama ang kanyang lolo at lola. Taong 1994 nang lumipat siya sa US para makasama ang kanyang mga magulang na OFW.

Read also

MelaSon, inalmahan ang komentong naghahanapbuhay na din ang anak nila

Matatandaang naglabas si Pambansang Kolokoy ng isang panibagong video na kanyang pinamagatang 'Buwelta.' Dito ay sinabi niyang gusto niyang sagutin ang aniya'y kumakalat na balita sa ngayon. Kabilang sa kanyang mga sinagot sa naturang vlog ay ang paggastos daw niya ng pera ng anak niya. Idinaan ni PK ang kanyang kasagutan sa pamamagitan ng pakikipag-usap sa kasamahan niya sa Batang Quiapo na si Hap Rice.

Samantala, nakasama ni Pambansang Kolokoy ang kanyang mama sa kanyang vlog. Sa intro ng kanyang vldeo ay sinabi ng mag-ina dahil may mga gusto daw siyang linawin sa mga lumabas na bali-balita. Gayunpaman, hindi din naman natuloy ang kanyang pagsasalita dahil tinawag siya at hindi na bumalik sa video.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate