Vice Ganda, nag-record na kantang 'Bwak, Bwak, Bwak': "Manggigigil ka!"

Vice Ganda, nag-record na kantang 'Bwak, Bwak, Bwak': "Manggigigil ka!"

- Nabanggit ni Vice Ganda sa kanyang co-hosts na nakabuo siya ng kanta nitong bakasyon sa kanyang pagkakabagot

- Aniya, abangan na lang ang ni-record niyang kanta na ang pamagat ay 'Bwak, Bwak, Bwak'

- Hindi na nagpaunlak ng sample si Vice dahil aniya ay hindi siya pwede sa live

- Hirit pa ni Vice, nakakatawa daw ang kanta at manggigigil daw ang taong kanyang pinatutungkulan

Nabahagi ni Vice Ganda na may ni-record siyang kanta na may pamagat na 'Bwak, Bwak, Bwak'. Kinantiyawan siya ng kanyang co-hosts na mag-sample pero hindi daw pwede sa live.

Vice Ganda, nag-record na kantang 'Bwak, Bwak, Bwak': "Manggigigil ka!"
Vice Ganda, nag-record na kantang 'Bwak, Bwak, Bwak': "Manggigigil ka!"
Source: Instagram
Hindi siya pwede sa live kasi explicit. Ang title nito ay 'Bwak, Bwak, Bwak' Abangan nyo po.

Aniya nakakatawa ang kanta at may mensahe pa ito para sa di pinangalanang tao.

Nakakatawa yung kanta. Bwak bwak bwak! Humanda ka! May kanta ako. Bwak, bwak bwak! Manggigigil ka!

Read also

KC Concepcion, ibinida ang 'Top 10 most memorable gifts mula sa mommy niya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Natawa naman ang kanyang co-hosts sa mga hirit ni Vice.

Si Vice Ganda ay isa sa pinakasikat na komedyante at TV host sa kasalukuyan. Nakilala siya sa kanyang husay sa pagpapatawa at mga pelikulang kadalasan ay tumatabo sa takilya. Kabilang din siya sa noontime show na It's Showtime na 13 taon nang napapanood sa ABS-CBN. Bukod sa kanyang pag-aartista, siya rin ay nagmamay-ari ng beauty products na Vice Cosmetics.

Kinaaliwan si Kim Chiu matapos ibuking ni Vice Ganda na konting kibot daw naiiyak si Kim Chiu. Sa kanilang pag-uusap sa episode ng It's Showtime, pinuna ni Vice ang naging reaksiyon ni Kim sa kanyang pagkukuwento. Hirit naman ni Vhong Navarro, nagiging baka daw si Kim. Tawang-tawa naman si Kim sa mga hirit na ito ng kanyang mga co-hosts.

Read also

Ogie D sa anak ni Jhong Hilario na si Sarina: "Napakabiba ng batang 'yan"

Kinaaliwan din ang biruan nina Vice Ganda at Jhong Hilario sa Isip Bata segment ng It's Showtime. Pabirong sinabi ni Vice Ganda sa madlang people na i-mass report si Jhong. Tawang-tawa naman silang mga host sabay sabi ni Jhong na na-block na nga daw siya ng Facebook. Matatandaang naging biruan nila ito simula nang matanggal ang Facebook page ni Rendon Labador dahil daw sa pag-mass report.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Hot:
Online view pixel