Jessy Mendiola, napakomento sa pagsayaw ni Luis Manzano ng Gento: "Jusko"

Jessy Mendiola, napakomento sa pagsayaw ni Luis Manzano ng Gento: "Jusko"

- Maging si Jessy Mendiola ay napakomento sa post ng mister niyang si Luis Manzano

- Ibinida ni Luis ang kanyang dance moves kung saan sinayaw niya ang Gento ng SB19

- Hirit pa ni Luis, kabahan na ang SB19 sa galing niya at baka raw gawin niya pang SB20

- Bukod kay Jessy, marami ang nagkomento sa naturang post ni Luis na kinaaliwan ng mga netizens

Ibinida ni Luis Manzano ang kanyang dance moves sa post niya. Sinayaw niya ang 'Gento' ng SB19 at maging si Jessy ay napa-'jusko' sa post ni Luis.

Jessy Mendiola, napakomento sa pagsayaw ni Luis Manzano ng Gento: "Jusko"
Jessy Mendiola, napakomento sa pagsayaw ni Luis Manzano ng Gento: "Jusko"
Source: Instagram

Hirit pa ni Luis, dapat kabahan na ang SB19 dahil sa galing niya ay baka gawin niya pang SB20.

"Di ko sinasabing dapat na kabahan @officialsb19 , pero kung kakabahan kayo… ngayon na dapat yun! Baka gawin ko pang SB20 sa galing ko"

Read also

Kim Chiu at Barbie Forteza, kinaaliwan sa kanilang collab

Bukod sa komento ni Jessy, umani ng mga reaksiyon mula sa netizens ang video na ito ni Luis.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Luis Manzano ay anak nina Vilma Santos at Edu Manzano. Kilala siya sa pagiging isa sa mahusay na TV hosts sa bansa. Ikinasal siya kay Jessy Mendiola na nakilala naman sa mahusay na pagganap bilang si Maria Mercedes sa Philippine remake ng sikat na Mexican telenovela. Taong 2016 nang manguna siya sa listahan ng men's magazine na FHM Philippines.

Hindi maipagkaila ni Vilma Santos na sobra siyang excited sa kanyang unang apo na tinatawag nilang si "Peanut." Sa kanyang bagong vlog ay pinakita niya ang regalong kanyang binili para sa apo kahit hindi pa ginaganap ang baby shower. Bukod sa baby bottles, nagbigay din ang Star for All Seasons ng sterilizer na ayon kay Jessy ay sobrang kailangan nila. Nagbigay din siya ng payo para sa mag-asawa hindi lang bilang magulang kundi bilang magkatuwang sa pagpapalaki sa anak nila.

Read also

Ogie Alcasid, pumalag sa peke at bogus marketing contents sa social media

Kamakailan ay binahagi ni Jessy sa kanyang YouTube channel ang kanilang pagpapa-check up kasama ang asawa niyang si Luis. Bahagi ng kanyang video ay makikita ang 4D ultrasound kung saan makikita ang facial feature ng anak nila ni Luis. Maging ang sumusuri kay Jessy ay napansing matangos ang ilong ni Baby Peanut. Tuwang-tuwa naman si Luis at nagpasalamat pa dahil aniya, si Jessy ang kamukha ng kanilang anak.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Hot:
Online view pixel