Kathryn sa kanyang 28th birthday celebration: "my happiest birthday to date"

Kathryn sa kanyang 28th birthday celebration: "my happiest birthday to date"

- Ibinahagi mismo ni Kathryn Bernardo ang video na kuha sa kanyang 28th birthday

- Kamakailan, kasama ni Kathryn ang kanyang mga kaibigan sa El Nido, Palawan para sa kanyang selebrasyon

- Dinaluhan ito ng kanyang mga kaibigan sa loob at labas ng showbiz

- Sa video, makikita ang saya ni Kathryn sa mga taong malalapit sa kanyang puso sa espesyal na araw niya

Dalawang araw matapos ang kanyang aktwal na kaarawan, ibinahagi ni Kathryn Bernardo ang ilan sa mga naging kaganapan sa kanyang 28th birthday celebration na ginangap sa Palawan.

Kathryn sa kanyang 28th birthday celebration: "my happiest birthday to date"
Kathryn sa kanyang 28th birthday celebration: "my happiest birthday to date" (@bernardokath)
Source: Instagram

Sa naturang video, makikita ang mga malalapit na tao kay Kathryn sa loob at labas ng showbiz.

"WHAT A DAY! Didn’t want it to end. Keeping these moments in my core memory forever," ang bahagi ng naturang post. Nilarawan pa niya itong "happiest birthday to date."

Ilan sa mga artistang nakitang present sa celebration na ito ni Kath ay sina Robi Domingo, Miles Ocampo, Maymay Entrata at maging sina Alden Richards at Jericho Rosales. Maging ang CEO ng ABS-CBN corporation na si Carlo Katigbak ay nakisaya sa mahalagang araw ni Kathryn.

Read also

Ogie D sa anak ni Jhong Hilario na si Sarina: "Napakabiba ng batang 'yan"

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Inulan din ng mga pagbati ang naturang post na ito Kathryn. Isa na rito ay si Maymay Entrata na masaya umanong makita na masaya ang kanyang "Hello, Love, Goodbye" co-star.

Mapapanood ang kabuuan ng video sa Instagram reel ni Kathryn.

Samantala, narito ang ilang larawang kuha mula sa video na naibahagi rin ng The Freeman.

Si Kathryn Bernardo ay isang aktres na unang nakilala sa mundo ng showbiz nang gumanap siya bilang ang batang Cielo sa Kapamilya teleseryeng "It Might Be You". Kinalaunan ay naipareha siya kay Daniel Padilla at nakilala ang tambalan nila bilang "KathNiel."

At noong Nobyembre 30 sa natapos na taong 2023, halos sabay na kinumpirma nina Kathryn at Daniel ang kanilang paghihiwalay na matagal nang naging bali-balita bago pa man ipalabas ang pelikula ni Kathryn na A Very Good Girl. Sa pamamagitan ng kani-kanilang post, naglahad ng saloobin ang dalawa upang ipaunawa lalo na sa kanilang mga fans ang parehong desiyon na mayroon pa rin umanong respeto at pagmamahal.

Read also

Kris Bernal, ibinida ang cute na video nila ng kanyang mag-ama

Samantala sa 28th birthday ni Kathryn, isang makabuluhang mensahe ang handog ng kanyang inang si Min Bernardo. Nilarawan niya si Kath na "you haven’t felt okay lately" subalit kahanga-hanga umano ito kung paano bumabangon araw-araw at hindi sumusuko at labis umano niyang na-appreciate ang pagpapahalaga ni Kathryn sa paggabay ng pamilya niya sa kanya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel