Jerald Napoles sa kanyang pagiging kargador noon: "I'm proud of it"
- Nagkomento si Jerald Napoles sa naging komento ng isang netizen na sinagot kamakailan ni Kim Molina
- Patungkol ito sa komento ng netizen na mukha daw kargador ang boyfriend ni Kim na si Jerald
- Bumwelta naman si Kim at sinabing totoong nagkargador si Jerald noon at pinagmamalaki niya ang boyfriend
- Komento naman ni Jerald, mali ang komento ng naturang netizen dahil hindi lang siya mukhang kargador kundi naging kargador talaga siya
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Pinagmalaki ni Jerald Napoles na naging kargador talaga siya noon. Kaya naman aniya ay mali ang sinabi ng isang netizen na 'mukha siyang kargador.'

Source: Instagram
Matatandaang pinagtanggol ni Kim ang boyfriend mula sa isang commenter na nagsabing mukha daw kargador si Jerald at may komento itong hindi kaaya-aya at ayon kay Kim ay bastos.
Komento naman ni Jerald, mali ang komento ng naturang netizen dahil hindi lang siya mukhang kargador kundi naging kargador talaga siya.

Read also
Luis Manzano, kinaaliwan sa sagot niya sa isang netizen: "Wala man lang tumama sa sinabi mo"
Actually mali 'yung sinabing 'mukhang kargador' ako eh. Kasi, totoong nag-kargador talaga ako sa Divisoria noon eh. And I'm proud of it,
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Si Kimverlie "Kim" Soriano Molina, known as Kim Molinao mas kilala bilang si Kim Molina ay isang Filipina singer at actress na unang nakilala sa husay ng pagganap niya bilang si Aileen sa long-running Filipino stage musical na 'Rak Of Aegis' , Savannah sa drama series 'Kadenang Ginto', Peng sa digital iWant movie na 'MOMOL Nights' , at Elsa sa mainstream film na #Jowable kung saan isa na siya sa mga box-office actress dahil tumabo ang kita ng pelikula ng Php100 million.
Matatandaang buong tapang na naibahagi ni Jerald Napoles ang kanyang mga pinagdaanan noong kabataan niya. Ipinagmamalaki rin niya ang lahat ng hirap at sakripisyo ng kanyang ina na mag-isa siyang itinaguyod. Lahat halos ng trabaho at raket ay pinasok ng kanyang ina at nasaksihan niya ang lahat ng ito. Kaya naman ngayon, alay niya ang bawat tagumpay na tinatamasa upang masuklian ang lahat ng pagmamalasakit na ibinigay sa kanya ng ina mabigyan lamang siya ng magandang buhay.
Samantala, binahagi ni Jerald ang video kung saan makikitang tila naiiyak ang girlfriend niyang si Kim. Hawak nito ang kanyang cellphone at nanonood ng video nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Naka-relate naman ang mga netizen sa pag-iyak ni Kim at sinabing pati sila ay naluha sa hiwalayan ng dalawa. Sa pagkumpirma nga ng dalawa na hiwalay na sila, marami sa mga taga-showbiz ang nasaktan din lalo at nagtagal sila ng 11 years.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh