PBB ex-housemate Franki Russel, tinanghal bilang Miss Universe New Zealand
- Napiling kinatawan ng New Zealand ang ex-PBB housemate na si Franki Russel
- Inanunsyo ito ng XPedition Magazine na pagmamay-ari ng Dubai-based Filipino businessman na si Josh Yugen
- Ito muli ang unang pagkakataon na lalahok ang nasabing bansa sa Miss Universe mula noong taong 2019
- Sa ngayon, naghahanda na rin ang Pilipinas sa pagpili ng magiging kinatawan ng bansa sa 2024 Miss Universe pageant
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Si Franki Russell ang magiging mukha ng New Zealand para sa 2024 Miss Universe.
Sa launch na isinagawa ng Xpedition Magazine na pagmamay-ari ng Pinoy businessman na si Josh yugen, inanunsyo ang bagong pintong nagbukas sa career ni Franki.
"This is her official launch as the new Miss Universe New Zealand (@missuniverse_newzealand) After a four-year hiatus, Franki Russell will carry the torch of New Zealand to represent her culture at the 72nd Miss Universe in Mexico City," ang bahagi ng official announcement sa pagkakatanghal kay Franki.
Narito ang kabuuan ng post:
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Si Franki Russell ay isang Filipino-Kiwi actress na produkto ng reality show na Pinoy Big Brother. Nang makalabas sa bahay ni Kuya, kabi-kabilang proyekto sa modelling and acting ang naibigay kay Franki. Ilan sa mga ito ay "Ang Probinsyano," "Laruan," "Summer," "Pabuya," "Martyr or Murderer" at iba pa. Minsan na rin umanong na-link si Franki sa aktor na si Diego Loyzaga.
Samantala, hindi ito ang unang pagkakataong sumubok si Franki sa isang prestihiyosong beauty pageant. Matatandaan noong taong 2021, sumali si Franki sa Miss Universe UAE.
Tulad niya, marami ring PBB housemates ang patuloy ang pagkinang ng pangalan matapos makilala sa bahay ni Kuya. Ilan sa mga ito ay sina Loisa Andalio, Heaven Peralejo, Barbie Imperial, Criza Taa at marami pang iba.
Isa na rin dito si Maris Racal na ngayo'y namamayagpag ang career sa patok na love team nila ni Anthony Jennings sa seryeng Can't Buy Me Love. Masasabing isa na ang kanilang tambalan sa inaabangan sa naturang serye na sinusubaybayan ng marami gabi-gabi.
Gayundin si Kim Chiu na bukod sa regular stint sa It's Showtime, kabi-kabilang teleserye ang kanya ngayong ginagampanan. Ito ay ang Linlang kung saan kasama niya sina Paulo Avelino at JM De Guzman. Gayundin ang Pinoy adaptation ngWhat's Wrong with Secretary Kim na mapapanood na sa Viu.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh