Claudine Barretto, pinabulaanang nag-backout si Jodi Sta. Maria sa Mr. M tribute dahil sa kanya

Claudine Barretto, pinabulaanang nag-backout si Jodi Sta. Maria sa Mr. M tribute dahil sa kanya

- Sinagot ni Claudine Barretto ang espikulasyong nagback-out daw si Jodi Sta. Maria sa A Night of 100 Stars na isang tribute para kay Mr. M (Johnny Manahan)

- Ani Claudine wala naman siyang power para gawin iyon at maaring may nangyari lang talaga para hindi makadalo si Jodi

- Nais niyang linawin na wala daw siyang kinalaman sa hindi nito pagdalo dahil kagaya niya ay may karapatan din si Jodi na dumalo dahil parehas nilang mentor si Mr. M

- Kung nagkita man siguro sila baka maaring mag-iiwasan at wala namang gulo na mangyayari

Naitanong kay Claudine Barretto ang lumabas na espikulasyong kaya daw umatras si Jodi Sta. Maria sa pagdalo sa tribute para kay Mr. M ay dahil sa kanya. Sa panayam na binahagi sa YouTube Channel ni Dondon Sermino, sinabi niyang wala daw siyang kinalaman sa hindi nito pagdalo sa event.

Read also

Ai-Ai Delas Alas sa mga bashers niya: "Mali-mali kayo ng mga paratang sa'kin"

Claudine Barretto, pinabulaanang nag-backout si Jodi Sta. Maria sa Mr M. tribute dahil sa kanya
Claudine Barretto, pinabulaanang nag-backout si Jodi Sta. Maria sa Mr M. tribute dahil sa kanya
Source: Youtube

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Aniya, wala naman siyang kakayahan para gawin ang bagay na iyon at karapatan din daw ni Jodi na dumalo sa naturang event dahil parehas nilang mentor si Mr. M.

Maari raw na nag-iwasan sila sakaling dumalo si Jodi ngunit tila napapa-isip siya dahil hindi naman daw siguro siya iiwas.

Dagdag pa niya, hindi lang siya handa na magkasama sila sa isang event kung sakali dahil aniya ay anak na niya ang pinaglalaban niya.

Si Claudine Barretto ay nakilalang at nagsimula sa kanyang karera bilang isang child actress. Sumikat siya sa kanyang mga pagganap sa iba't ibang pelikula at palabas sa telebisyon. Ilan sa kanyang mga pinakatanyag na proyekto ay kasama ang "Mula sa Puso," "Sa Dulo ng Walang Hanggan," at "Milan.

Matatandaang isang love letter ang ibinahagi ni Claudine sa kanyang Instagram account. Marami sa mga fans ng tambalan nila ni Rico Yan ang kinilig sa love letter na ito ng yumaong aktor. Hindi man sila nagkatuluyan dahil sa pagpanaw ng matinee idol, nanatili ang pagsuporta ng mga fans ng kanilang tambalan. Nauna nang nakapagbahagi si Claudine ng iba pang love letters ng aktor para sa kanya.

Read also

Tito Vince, umalma sa fake news daw na napilitan lang daw siya kay Toni Fowler

Naibahagi naman nina Cristy Fermin ang tungkol sa pag-usad ng annulment nina Raymart Santiago at Claudine. Sinasabing si Raymart na rin umano ang nag-file ng annulment ng kasal nila ni Claudine. Ang nakikita umanong dahilan nina Cristy ay ang pagnanais di umano ni Raymart na pakasalan si Jodi Sta. Maria. Hindi man ganoon kaingay sa social media ngunit minsan nang naisapubliko ang pagkakaroon ng relasyon ng dalawa.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel