Kim Chiu, nagpasalamat sa suporta para sa WWWSK: "Nakakaiyak sa tuwa po"
- Nabanggit ni Kim Chiu sa kanyang post sa X na nakatanggap daw siya ng tawag mula sa VIU staff
- Sinabi daw sa kanya na di daw kinaya ng app yung dami ng sabay sabay na pag access ng mga manonood pagpatak ng alas 12 kung kailan unang pinalabas ang Pinoy adaptaion ng "What's Wrong with Secretary Kim?"
- Aminado si Kim na emosyonal siya sa mainit na pagtanggap ng publiko sa serye na pinagtatambalan nila ni Paolo Avelino
- Payo daw ng staff na i-refresh lang nang i-refresh at lalabas din daw ang "What's Wrong with Secretary Kim"
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Nabahagi ni Kim Chiu na tinawagan daw siya ng isang staff ng Viu para ipaalam na di daw kinaya ng app yung dami ng sabay sabay na pag access ng mga manonood pagpatak ng alas 12 kung kailan unang pinalabas ang Pinoy adaptaion ng What's Wrong with Secretary Kim?
Ani Kim, nakakaiyak sa tuwa ang natatanggap nilang suporta kaya nagpasalamat siya sa lahat ng nanood sa unang paglabas ng kanilang episode sa Viu App.
Just got a call from VIU staff. Kahit ako diko ma view ang mga episodes. Di daw kinaya ng app yung dami ng sabay sabay na pag access at the same time ng 12midnight. Nakakaiyak sa tuwa po. refresh daw po ng refresh lalabas din daw po yan. thank you sa support for #WhatsWrongWithSecretaryKim #WhatsWrongWithSecretaryKimPH
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Si Kim Chiu ay isang kilalang artista at personalidad sa industriya ng showbiz sa Pilipinas. Isinilang siya noong April 19, 1990, sa Tacloban City, Leyte, Philippines. Unang sumikat si Kim Chiu noong sumali siya sa reality show na "Pinoy Big Brother: Teen Edition" noong 2006, kung saan siya ang nagwaging big winner. Matapos manalo sa PBB, naging bahagi siya ng Star Magic, ang talent management arm ng ABS-CBN, at nagsimula nang magkaruon ng mga proyektong telebisyon at pelikula.
Sa post ni Kim, binahagi niya ang saloobin na nakabalik na siya sa pagtatrabaho matapos ang mahigit isang linggo. Sa kanyang pagbabalik-trabaho, aniya ay mas naging makahulugan sa kanya ang linyang “Umulan man o Umaraw. Kahit ang dulo ay di matanaw." Bahagi ito ng lyrics sa opening song ng noontime show na "It's Showtime."
Tuwang-tuwa si Kim nang makatanggap ng mamahaling sapatos mula sa Diamond Star na si Maricel Soriano. Sa kanyang IG stories ay makikita ang pag-abot sa kanya ni Maricel ng Christian Louboutin na sapatos. Kilig na kilig si Kim habang sinusukat ang sapatos mula sa Diamond star. Todo-pasalamat si Kim at pinangakong aalagaan niya nang buong puso ang pamana ng kanyang inay Maria
Source: KAMI.com.gh