Sharon Cuneta sa umano'y naudlot na follow up concert nila ni Gabby: "Not my fault"

Sharon Cuneta sa umano'y naudlot na follow up concert nila ni Gabby: "Not my fault"

- Nagsalita na umano si Sharon Cuneta tungkol sa sana'y follow up concert nila ni Gabby Concepcion

- Aniya, kasado na sana lahat at tatawagin itong "P.S. I love you"

- Iyon sana ang tila magiging part 2 ng matagumpay nilang show noong Oktubre ng nakaraang taon

- Alam umano ng Megastar na maraming fans nila ang umasa sa sana'y Valentines' concert nila ni Gabby subalit hindi na ito nangyari

Nagsalita na si Megastar Sharon Cuneta sa tungkol sa umano'y naudlot nilang follow up concert ni Gabby Concepcion.

Sharon Cuneta sa umano'y naudlot na follow up concert nila ni Gabby: "Not my fault"
Sharon Cuneta and Gabby Concepcion (Sharon Cuneta FB)
Source: Facebook

Matatandaang kabi-kabilang espekulasyon ang lumabas patungkol sa sana'y Valentine's concert na pinakaabangan muli ng mga Sharon-Gabby fans.

Sa maiksing video na naibahagi ng Philstar News, inilahad ng Megastar ang saloobin tungkol sa nasabing show.

"The next show was supposed to be called 'P.S. I love you.' Sorry, let’s be honest!" panimula ni Sharon.

Read also

Philmar Alipayo reposts Andi Eigenmann's heartfelt tribute to Jaclyn Jose

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"The repertoire was supposed to be much better than 'Dear Heart,'" ang Dear Heart ang matagumpay na show nina Sharon at Gabby na naganap noong Oktubre ng nakaraang taon.

"It was a beautiful show, kasado na. Everyone was ready. Apparently, negotiations did not go through. Okay, I will not say. But let’s just say hindi siya natuloy not because of us. I was so excited and ready to go. So sayang! Nanghihinayang ako. Because I made so many of our fans happy, I wanted to make many more of them happy. I guess that’s it. Not my fault"

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa YouTube channel ng Philstar News:

Si Sharon Cuneta ay isang singer at actress sa Pilipinas. Sa husay niya sa kanyang larangan tinagurian siyang "Megastar." Taong 1984 nang maganap ang umano'y kasalan nila ni Gabby Concepcion na nauwi rin sa hiwalayan.

Read also

Gabby Eigenmann at iba pang celebs, nag-react sa makabuluhang post ni Andi para kay Jaclyn Jose

Matatandaang minsan nang naibahagi ni Cristy Fermin ang umano'y napapabalitang rason kung bakit nabigo ang fans nina Sharon at Gabby na mapanood muli ito noon sanang Valentine's day ng kasalukuyang taon.

Sa naturang ulat pa ni Cristy, Sinabing ang natuloy pa nga na concert ni Gabby ay iyong kasama niya sina Christopher De Leon at Aiai Delas Alas sa nito lamang March 8.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel