Buboy Villar at Angillyn Gorens, muling nagkita matapos ang 5 taon

Buboy Villar at Angillyn Gorens, muling nagkita matapos ang 5 taon

- Muling nagkita sina Buboy Villar at dati niyang partner at ina ng kanyang mga anak na si Angillyn Gorens

- Sa video na binahagi ni Jomar Lovena ay magkakasama silang kumain sa labas

- Ito ang unang pagkikita nila Buboy at Angillyn matapos bumalik ng Amerika si Angillyn

- Kasama din nila sa kanilang paglabas ang anak nina Buboy at Angillyn na sina Vlanz at George

Muling nagkasama sina Buboy Villar at dati niyang partner at ina ng kanyang mga anak na si Angillyn Gorens. Sa isang video na binahagi ni Jomar Lovena ay pinakita niya ang pagkikita ng dalawa matapos ang 5 taon.

Buboy Villar at Angillyn Gorens, muling nagkita matapos ang 5 taon
Buboy Villar at Angillyn Gorens, muling nagkita matapos ang 5 taon
Source: Facebook

Kasama din ni Jomar ang ina ng anak niya na kapatid naman ni Angillyn, si Veybillyn Gorens. Hindi naman natigil ang pangangantiyaw nina Jomar at Veybillyn kina Buboy at Angillyn.

Kasama din nila ang anak nilang sina Vlanz at George. Matatandaang pumunta ng Amerika si Angillyn at sumunod din ang mga anak nila para maisaayos nila ang mga papel ng mga bata sa Amerika kaugnay sa kanilang citizenship.

Read also

Winwyn Marquez, ibinida ang husay ng anak: "Proud mama here"

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Narito ang mga komento sa muling pagkikita nina Buboy at Angillyn:

Kakilig habang pinapanood ko to sabay napapanngitisana magkabalikan na kayo
Luh sana mag balikan ,kainis bitin nman ehhh
At nkangiti n nmn ako habang nanunuod haist

Si Buboy Villar ay unang nakilala sa mundo ng showbiz nang mag audition siya sa Little Big Star. Naging bahagi siya ng teleseryeng Dyesebel noong 2008. Ilan sa mga pelikulang naging bahagi siya ay Supahpapalicious, Shake, Rattle & Roll X, Ang Panday, Zaido: Pulis Pangkalawakan, Darna, at Panday Kids.

Taong 2016 nang maging magkarelasyon si Buboy at ang ina ng kanyang dalawang anak na si Angillyn Gorens. Nagsama sila sa isang bubong taong 2017. Taong 2017 naman pinanganak ni Angillyn ang kanilang panganay na anak. Engaged na sila noon at nagbabalak na magpakasal sa US ngunit nito lamang 2020 nang aminin nilang nagkahiwalay sila.

Read also

Ogie D, sa umano'y nasagap tungkol sa BeaDom: "Nagkikita raw ng palihim"

Noong nakaraang Mother's Day ay hindi kinaligtaang batiin ni Buboy si Angillyn. Sa kasalukuyan ay naroroon ang kanilang dalawang anak na si Vlanz at George sa poder ng kanilang ina. Matatandaang nauna nang naibahagi ni Buboy na kahit malungkot siya ay naiisip niyang ginagawa niya ito para sa kinabukasan ng kanilang mga anak.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel