Netizens, umalma sa video nina Apo Whang-Od at Piolo Pascual

Netizens, umalma sa video nina Apo Whang-Od at Piolo Pascual

- Umalma ang mga netizens sa video nina Piolo Pascual at Apo Whang-Od

- Mabilis na nag-viral ang naturang video kung saan makikita ang umano'y kulitan ng dalawa

- Habang ang iba ay nagawang mabatikos ang respetadong mambabatok, ang iba naman ay nagawa itong ipagtanggol

- Mapapansin din umano ang reaksyon ni Piolo sa nagawa ni Whang-Od sa kanya

Umani ng samu't saring reaksyon ang video kung saan nakasama ni Piolo Pascual si Apo Whang-Od nang siya'y bumisita ito sa Buscalan.

Netizens, umalma sa video nina Apo Whang-Od at Piolo Pascual
Apo Whang-Od and Piolo Pascual (@yamariposa)
Source: Twitter

Sa naturang video, makikita ang umano'y makulit na paghawak ng tanyag na mambabatok sa private part ng aktor.

Makikita at maririnig ang tawanan ng 107-anyos na tattoo artist maging ni Piolo gayundin ang umano'y iba pang taong naroon.

Sa kabila nito, inalmahan ng ilang netizens ang naturang pangyayari. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Read also

Piolo Pascual, sa mga kaibigang sinusubok ang relasyon: "I don't want to intrude"

"Double standards. Kapag matandang babae okay? Pero kung matandang lalake gagawin yan sa babae ano kaya ang mangyayari?"
"Bakit kaya pinapabayaan siya na gawin yan?"
"This shouldn’t be condoned. Alam ko malaki ang respeto natin kay Apo Whang Od at sa sining niya ng pagtatattoo. Pero dapat ba natin baliwalain itong ginagawa niya?"

Gayunpman, mayroon namang dumipensa kay Apo Whang-Od. Una na rito ang reaksyon ni Piolo na nakatawa at wala umanong bahid na siya ay nalapastangan bagay na masasabing binigyang permiso 'di umano niya ang nangyari.

Narito ang ilang depensa ng netizens na makikita comments ng isa sa mga nagbahagi ng video:

"Piolo did not say No! did not move away, and was laughing in good fun"
"My thoughts on the Apo Whang Od issue. You go there to support her. At her age, cancelling her doesn't do anything. Just don't visit her if you are not comfortable with what she does. If there are people who feels victimized, the victim should be the one speaking about it. not you!"

Read also

Ogie Diaz, may mensahe sa mga 'Gen Z' parents: "Wag OA!"

Si Piolo Jose Nonato Pascual ay isang actor, singer, model, at producer sa bansa. Kabila-kabila ang mga pelikula niyang pumatok sa takilya tulad nang 'Breakup Playlist' kung saan kasama niya si Sarah Geronimo at 'Starting Over Again' kung saan nakapareha naman niya si Toni Gonzaga. Sa natapos na MMFF 2023, kabi-kabilang Best Actor award ang kanyang nakuha kabilang na rito ang sa Manila International Film Festival para sa pelikula niyang Mallari.

Samantala, si Apo Whang-Od ay ang 107-anyos na mambabatok mula sa tribu ng Butbut sa Buscalan, Kalinga. Dinarayo siya ng mga turista maging ng mga kilalang personalidad para lamang makapagpa-tattoo sa kanya. Matatandaang nito lamang Pebrero, kinilala siya ni Presidente Bongbong Marcos dahil sa kanyang kontribusyon sa Philippine Traditional arts. Hinirang si Whang-od bilang Outstanding Government Workers ng 2023 at nabigyan din siya ng Presidential Medal of Merit awards.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica