5 Pinoy Celebrities na naka-swerte na makapagpa-tattoo kay Apo Whang-od

5 Pinoy Celebrities na naka-swerte na makapagpa-tattoo kay Apo Whang-od

- Si Apo Whang-od ang tinaguriang pinakamatandang 'mambabatok' o 'tatooist' ng Kalinga ethnic group

- Kaya naman isang napakalaking prebilihiyo na na matiyempuhan siya mismo ang gagawa ng iyong tattoo

- Maging ang ilan sa ating mga local celebrities ay nagbiyahe patungo sa Kalinga para lamang makapagpa-tattoo kay Apo Whang od

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Si Apo Whang Od o Maria Fang-Od Oggay ang pinakahuli at pinakamatandang mambabatok o 'tattoist ng Kalinga ethnic group.

Kamakailan ay na-feature siya sa The New York times sa artikulo na "At 100 or So, She Keeps a Philippine Tattoo Tradition Alive" by Aurora Almendral.

Nalaman ng KAMI na si Apo Whang-Od ay 101 taon na ngunit pulido pa rin siyang gumawa ng kanya obra na pagta-tattoo.

Kaya naman kahit ang ilan sa ating mga Pinoy celebrities ay bumibiyahe pa papunta sa Kalinga para lamang makapagpa-tattoo sa isa sa mga nakahanay na maging National Artist of the Philippines.

Narito ang ilan sa mga artistang pinalad na makapagpagawa ng obra kay Apo Whang-od sa kanila mismong katawan.

1. Ang Kapuso star na si Rhian Ramos ay di lang isa kundi dalawang beses pang umakyat ng Kalinga para makapagpa-tattoo kay Apo.

2. Ang dating Eat Bulaga host na si Patricia Tumulak ay isa rin sa nagtungo sa Buscalan Kalinga at naka-swerte na makapagpa-tattoo kay Apo Whang-od.

3. Apat na taon na ang nakalipas nang nakapagpa-tattoo si Ice Seguerra. Ngunit, nang mabalitaan nila na na nagkasakit ang Apo Whang-od, nagtungo sila para kumustahin ito.

Pinalad sila na masigla na pala ang matandang mambabatok at nagawan pa ng munting sorpresa ang asawa ni Ice na si Liza Diño.

Narito ang video ni Liza habang isinasagawa ni Apo whang-od ang kanyang obra.

4. Taong 2014 nang maswertehan ni Drew Arellano na magkaroon ng piraso ng kasaysayan ang kanyang katawan. Isa ang Buscalan sa lugar na napuntahan niya sa kanyang programang "Biyahe ni Drew."

Be amazed with this young Pinoy artist's extraordinary masterpiece. André Manguba makes celeb portraits using pasta and ketchup | Kami Stories on KAMI YouTube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Base sa SWS survey, mas nabawasan na raw ang krimen sa Pilipinas ngayon

Base sa SWS survey, mas nabawasan na raw ang krimen sa Pilipinas ngayon

Base sa SWS survey, mas nabawasan na raw ang krimen sa Pilipinas ngayon
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel