Atasha Muhlach, nakwento na 17 na siya nang magkaroon siya ng sariling cellphone

Atasha Muhlach, nakwento na 17 na siya nang magkaroon siya ng sariling cellphone

- Nakapanayam ni Iza Calzado si Atasha Muhlach sa Women Summit 2024 ng Go Negosyo

- Natanong ni Iza sa kanya kung paano niya ginagamit ang social media para sa kanyang career

- Ani Atasha, inaaral pa rin niya sa kasalukuyan maging ang social media dahil 17 na siya nang magkaroon ng cellphone

- Tila nagulat naman si Iza dito at ayon pa kay Atasha ay hindi din sila nabigyan ng access sa social media

Nabahagi ni Atasha Muhlach na hanggang sa kasalukuyan ay inaaral pa rin niya ang social media. Sa panayam ni Iza Calzado si Atasha sa Women Summit 2024 ng Go Negosyo, nakwento niyang 17 na siya nang magkaroon ng cellphone.

Atasha Muhlach, nakwento na 17 na siya nang magkaroon siya ng sariling cellphone
Atasha Muhlach, nakwento na 17 na siya nang magkaroon siya ng sariling cellphone
Source: Instagram

Wala din daw silang access sa social media noon kundi landline lang ang kanilang gamit.

I'm still learning the ropes of social media because I was only given a phone until the age of 17. It was always the landline of the house growing up. Old school living. We werent' really given access to social media that's why I'm still learning the process of it.

Read also

Gabby Eigemann, hindi pababayaang maramdaman ni Andi Eigenmann na ulila na siya

(Panayam kay Atasha ay nasa 7:28:30-7:40:00 na bahagi ng video)

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Atasha Muhlach ay isa sa kambal na anak nina Aga Muhlah at Charkene Gonzales. Tinapos ni Atasha ang kanyang pag-aaral bago niya pinasok ang showbiz na ayon sa kanya ay ginusto niya kahit noong bata pa siya. Kasalukuyang isa siya sa mga hosts ng Eat Bulaga!

Matatandaang kinaaliwan ang mga hirit ni Ryzza Mae Dizon kay Aga Muhlach nang mag-guest ito sa "Eat Bulaga" para maglaro sa segment ng Peraphy. Hirit ni Ryzza, siya daw piliin ni Aga bilang daughter-in-law niya at pabiro din siyang tinawag ng kasamahan bilang si Ryzza Mae Muhlach. Pagbibiro naman ni Aga, napapanaginipan daw ng anak na si Andres si Ryzza. Natanong din ng mga hosts kung ano ang height ni Andres at sinabi ni Aga na 6'2 daw at nang tanungin naman si Ryzza, 2 lang daw ang height niya.

Naging guest ni Vice Ganda si Aga Muhlach sa kanyang pinakabagong vlog kung saan napag-usapan nila ang tungkol sa mga anak ni Aga. Naitanong ni Vice Ganda kung ayaw daw ba mag-artista ng isang anak niyang si Andres at sinabi naman ni Aga na gusto daw nito. Hirit pa ni Vice, nasa "Eat Bulaga" si Atasha dapat daw si Andres sa "It's Showtime" na at natawa naman si Aga. Biro pa ni Vice, para daw may kasama naman si Ion na pogi dahil ang mga kasama daw nila ay matatanda na.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel