Ted Failon, trending dahil sa komento niya kay SB19 member Justin de Dios
- Trending si Ted Failon dahil sa kanyang komento kaugnay sa SB19 member na si Justin de Dios
- Sa kanilang Ted Failon at DJ Chacha sa Radyo5 na programa ay nabalita nila ang tungkol sa naging performance ni Justin kamakailan sa 'ASAP' para sa promotion niya sa kanta niyang 'Surreal'
- Habang nagbabalita si DJ Chacha ay tuloy si Ted sa kanyang mga side comments patungkol kay Justin
- Ani Ted, sana ay magkaroon ng 'hindi naman kataasan ang tangos ng ilong para talaga original'
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Usap-usapan si Ted Failon kasunod ng kanyang mga side comments habang nagbabalita si DJ Chacha tungkol sa SB19 member na si Justin de Dios. Sa kanilang programang Ted Failon at DJ Chacha sa Radyo5 ay nabalita nila ang tungkol sa performance ni Justin kamakailan sa ASAP.
Tinanong ni Ted si DJ Chaha kung Pinoy daw ba si Justin.
“Oo, Pinoy yan. Ang pogi, di ba?”
Muli ay nagtanong si Ted kung all original daw ang kanta. Sinagot naman ito ni DJ Chaha at sinabing maging si Justin ay all original.
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Habang binabanggit naman ni DJ Chacha ang inspirasyon sa kantang Surreal, isiningit ni Ted na Koreano daw ang inspirasyon nito.
“inspirasyon niya mga Koreano.”
Aniya, sana daw ay may grupong “Hindi naman kataasan ang tangos ng ilong para talaga original.”
Kasunod nito ay nag-trending ang pangalan ni Ted sa X.
Si Ted Failon ay isang kilalang mamamahayag sa Pilipinas. Siya ay kilala sa kanyang malalim na boses at diretsahang paraan ng pag-uulat. Naging tanyag siya sa kanyang trabaho sa iba't ibang programa at palabas sa radyo at telebisyon. Isa siyang dating miyembro ng House of Representatives mula sa unang distrito ng Leyte at kilala rin bilang host ng palabas na "Failon Ngayon" sa ABS-CBN. Bukod sa pagiging mamamahayag, nagsilbi rin siyang politiko at naging tagapagsulong ng iba't ibang reporma sa lipunan
Kabilang si Ted sa mga nagpaalam sa ABS-CBN matapos ang shutdown issue ng network. Kasabay nito ay naakusahan si Ted ng mang-aawit na si Jim Paredes sa kanyang Twitter post na si Ted ay isang “spreader” ng fake news.
Matatandaang Marso ng taong 2021 nang maglabas si Ted Failon official statement tungkol sa pagpositibo niya sa COVID-19. Ang kanyang official statement ay ibinahagi ng kanyang kapwa broadcast journalist' at anchor na si DJ Chacha sa kanyang Instagram account. Base sa kanyang pahayag, nagpasuri si Ted matapos siyang ituro ng isang kasamahan na naka-close contact nito. Wala naman daw siyang sintomas at kinailangan lang mag self quarantine.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh