Ogie Diaz, nagbalik-tanaw sa panayam kay Jaclyn Jose: "Di ko makakalimutan ang mga kwento mo"

Ogie Diaz, nagbalik-tanaw sa panayam kay Jaclyn Jose: "Di ko makakalimutan ang mga kwento mo"

- Nag-post si Ogie Diaz ng kanyang pagbibigay-pugay sa yumaong batikang aktres na si Jaclyn Jose

- Sa kanyang binahaging mensahe, nagbalik-tanaw si Ogie sa kanyang naging panayam kay Jaclyn

- Aniya, hindi niya makakalimutan ang mga kwento ng hinanakit nito sa kanyang buhay

- Ani Ogie, humanga siya sa pagiging mapagmahal na ina ng aktres dahil tinatapatan nito ng pang-unawa at pagtanggap ang mga hinanakit niya sa buhay

Nagbalik-tanaw si Ogie Diaz sa kanyang naging panayam kay Jaclyn Jose. Ani Ogie, humanga siya sa pagiging mapagmahal na ina ng aktres dahil tinatapatan nito ng pang-unawa at pagtanggap ang mga hinanakit niya sa buhay.

Ogie Diaz, nagbalik-tanaw sa panayam kay Jaclyn Jose: "Di ko makakalimutan ang mga kwento mo"
Ogie Diaz, nagbalik-tanaw sa panayam kay Jaclyn Jose: "Di ko makakalimutan ang mga kwento mo"
Source: Youtube

Sa kanyang Facebook post, binigyang-pugay ni Ogie ang pumanaw na aktres na si Jaclyn. Hindi daw niya makakalimutan ang mga kwento ng hinanakit nito sa kanyang buhay.

Ms. Jane, bago natin ginawa ang interbyung ito, di ko makakalimutan ang mga kwento mo ng hinanakit sa buhay, pero hangga’t maaari ay tinatapatan mo na lang yon ng pang-unawa at pagtanggap na nangyayari talaga ang iyong mga tanong. At doon lumulutang ang iyong pagiging mapagmahal na ina. At humanga ako sa yo.

Read also

Mama Loi sa kasal nina Sam at Catriona: "Nag-postponed hindi nag-cancel"

Pinasalamatan din niya ito sa maraming ambag nito sa industriya ng showbiz.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Maraming salamat sa iyong napakaraming ambag sa industriya. Nag-iisa ka.

Si Jaclyn Jose ay pinanganak noong October 21, 1963 bilang si Mary Jane Guck sa Angeles City, Pampanga. Siya ay kilala sa kanyang mahusay na pagganap sa iba't ibang mga pelikula at palabas sa telebisyon. Ilan sa kanyang mga natatanging pagganap ay nasa mga pelikulang "Santa Santita", "Saranggola", at "Ma' Rosa", kung saan siya ay nanalo ng mga prestihiyosong parangal sa industriya ng pelikulang Pilipino.

Matatandaang sa isang Instagram post na ibinahagi ni Andi Eigenmann kung saan kasama niya ang kanyang pamilya, napakomento ang ina niyang si Jaclyn. Hindi nito napigilang ibahagi ang saloobin sa masayang buhay ng anak kasama ang kanyang sariling pamilya. Napatanong pa ito kung pwede siyang sumali sa masarap na buhay ng pamilya ni Andi sa Siargao. Sinagot naman siya ni Andi at inayang pumunta na rin ito sa kanila sa Siargao.

Read also

Ogie D, sinabing isa umanong singer-actress ang aaming buntis sa kanyang 2nd baby

Nagbabala si Jaclyn sa umano'y gumagamit ng pangalan niya para makapanloko. Sa binahagi niyang picture ng conversation ay makikita ang taong gumagamit ng pangalan niya para makapangutang umano sa ilang kakilala niya. Ani Jaclyn, na-hack umano ang kanyang cellphone kaya huwag maniniwala sa taong nangungutang gamit ang pangalan niya. Mabuti na lamang at nalaman niya ang tungkol dito kaya agad siyang nag-post upang mabigyang babala ang kanyang mga kakilala.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate