Jaclyn Jose, pumanaw ngayong Marso 3, 2024 sa edad na 60

Jaclyn Jose, pumanaw ngayong Marso 3, 2024 sa edad na 60

- Pumanaw na ang batikang aktres na si Jaclyn Jose ngayong Linggo, Marso 3, 2024 sa edad na 60

- Ayon sa ulat ng Abante, natagpuan ang batikang aktres na wala nang buhay sa Loyola Grand Villas sa Quezon City

- Hindi pa naisasapubliko kung ano ang sanhi ng kanyang pagpanaw sa kasalukuyan

- Nakilala si Jaclyn sa kanyang mahusay na pagganap sa iba't ibang mga pelikula at palabas sa telebisyon

Pumanaw na ang award-winning actress na si Jaclyn Jose sa edad na 60. Wala pang kumpirmasyon kaugnay sa sanhi ng kanyang pagpanaw.

Jaclyn Jose, pumanaw ngayong Marso 3, 2024 sa edad na 59
Jaclyn Jose, pumanaw ngayong Marso 3, 2024 sa edad na 59
Source: Instagram

Ayon sa ulat ng Abante, natagpuan ang batikang aktres na wala nang buhay sa Loyola Grand Villas sa Quezon City.

Maging ang ilang news outlet kagaya ng GMA News ay naibalita na ang tungkol sa pagpanaw ng batikang aktres.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Read also

Aktres na si Cheena Crab, binahagi ang huling pag-uusap nila ni Jaclyn Jose

Si Jaclyn Jose ay pinanganak noong October 21, 1963 bilang si Mary Jane Guck sa Angeles City, Pampanga. Siya ay kilala sa kanyang mahusay na pagganap sa iba't ibang mga pelikula at palabas sa telebisyon. Ilan sa kanyang mga natatanging pagganap ay nasa mga pelikulang "Santa Santita", "Saranggola", at "Ma' Rosa", kung saan siya ay nanalo ng mga prestihiyosong parangal sa industriya ng pelikulang Pilipino.

Matatandaang sa isang Instagram post na ibinahagi ni Andi Eigenmann kung saan kasama niya ang kanyang pamilya, napakomento ang ina niyang si Jaclyn. Hindi nito napigilang ibahagi ang saloobin sa masayang buhay ng anak kasama ang kanyang sariling pamilya. Napatanong pa ito kung pwede siyang sumali sa masarap na buhay ng pamilya ni Andi sa Siargao. Sinagot naman siya ni Andi at inayang pumunta na rin ito sa kanila sa Siargao.

Nagbabala si Jaclyn sa umano'y gumagamit ng pangalan niya para makapanloko. Sa binahagi niyang picture ng conversation ay makikita ang taong gumagamit ng pangalan niya para makapangutang umano sa ilang kakilala niya. Ani Jaclyn, na-hack umano ang kanyang cellphone kaya huwag maniniwala sa taong nangungutang gamit ang pangalan niya. Mabuti na lamang at nalaman niya ang tungkol dito kaya agad siyang nag-post upang mabigyang babala ang kanyang mga kakilala.

Read also

Jake Ejercito, nag-post ng throwback photo ni Ellie at lola nitong si Jaclyn Jose

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate