Fynest China, napaniwalang na-decline ang credit card ni Alex Gonzaga

Fynest China, napaniwalang na-decline ang credit card ni Alex Gonzaga

- Nakasama ni Alex Gonzaga ang content creator na si Fynest China sa kanyang pinakabagong vlog

- Sinama niya ito sa ilang store ng mga high end na brands at sinubukang i-prank

- Napaniwala naman si Fynest China na na-decline ang credit card ni Alex at handa naman siyang pahiramin ito

- Gayunpaman, pinagsabihan muna niya si Alex na pag-isipang mabuti dahil aniya ay maraming beses na rin siyang nagsisi dahil sa kanyang pagiging impulsive buyer

Hindi nag-atubili si Fynest China na pahiramin si Alex Gonzaga ng pera para pambayad sa bag na gustong bilhin ni Alex. Ito ay matapos siyang mapaniwala sa 'Nadecline na Credit Card Prank' ni Alex.

Fynest China, napaniwalang na-decline ang credit card ni Alex Gonzaga
Fynest China, napaniwalang na-decline ang credit card ni Alex Gonzaga
Source: Youtube

Sa pinakabagong vlog ni Alex ay kasama niya si Fynest China na umikot sa mga store ng ilang high end brands. Isang bag ang kunwari ay nagustuhan ni Alex at gusto niyang bilhin.

Read also

Vice Ganda, MC at Lassy, sumabak sa 'Panginig challenge' ni Ion Perez

Kinasangkot ni Alex ang staff ng store para sabihing na-decline ang kanyang credit card. Bago tuluyang pahiramin ay pinagsabihan muna ni Fynest China si Alex na pag-isipang mabuti dahil aniya ay maraming beses na rin siyang nagsisi dahil sa kanyang pagiging impulsive buyer.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ang TV host-actress na si Alex Gonzaga ay unang sumikat sa mundo ng showbiz bilang nakababatang kapatid ni Toni Gonzaga. Isa siya sa maituturing na pinakamatagumpay na YouTuber sa bansa na mayroon nang mahigit 13.5 million na subscribers sa kasalukuyan.

Nagbiro si Alex tungkol sa isyung nag-resign siya sa episode ngayong araw ng Tropang Lol. Sa opening song pa lamang ng programa kung saan kumanta siya ay pabiro niyang isiningit ang "walang nag-resign." Ito ay sa gitna ng usap-usapang nag-resign umano siya lalo at wala siya noong unang araw ng back-to-back airing ng 'Tropang Lol' at 'It's Showtime.' Maging sa programa ni Cristy Fermin ay nabanggit na nag-resign si Alex sa programa kahit may isang buwang commitment pa umano itong natitira sa naturang programa.

Nabanggit ni Alex sa kanyang podcast ang tungkol sa umano'y paninigaw sa kanya ng isang artista na nakatatanda sa kanya. Aniya, may mga pagkakataon na pinagmumukha siyang masama ng ibang tao dahil sa kanyang personality. Noong nasa 20s umano siya ay na-traumatize siya dahil sa ginawa sa kanya ng artistang ito at nagkwento pa umano at pinagmukha siyang masama. Ang akala umano nito ay galing siya sa bahay at late lang siya at hindi umano niya alam na galing siya sa trabaho.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel