Facebook page ng TAPE, naglaho kasunod ng episode ngayong araw

Facebook page ng TAPE, naglaho kasunod ng episode ngayong araw

- Palaisipan sa marami ang makahulugang mensahe nina Isko Moreno at Paolo Contis sa pagtatapos ng episode ng "Tahanang Pinakamasaya" ngayong araw

- Kasunod nito ay wala na rin ang Facebook page ng TAPE kaya may mga espikulasyong matatapos na ang noontime show

- Wala namang nilalabas na pahayag ang mga hosts o maging ang mga nasa management

- Gayunpaman, sa mensahe nina Isko at Paolo ng pasasalamat at tila pagiging emosyonal ng mga hosts ay naging maugong ang mga espikulasyon tungkol sa naturang noontime show

Naging emosyonal ang hosts ng Tahanang Pinakamasaya sa pagtatapos ng episode ngayong araw. Nagbahagi rin ng mensahe ng pasasalamat sina Isko Moreno at Paolo Contis.

Facebook page ng TAPE, naglaho kasunod ng episode ngayong araw
Facebook page ng TAPE, naglaho kasunod ng episode ngayong araw
Source: Youtube

Wala namang anunsiyo o pormal na pahayag ngunit kasunod ng episode ngayong araw ay napansin ng netizens na hindi na rin makita ang TAPE Facebook page.

Read also

Mama Loi sa kasal nina Sam at Catriona: "Nag-postponed hindi nag-cancel"

Dahil dito ay lumabas ang espkulasyong magwawakas na sa pag-ere ang naturang noontime show.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ang Tahanang Pinakamasaya ang titulo ng noontime show ng TAPE Inc, kasunod ng pag-alis ng main hosts ng Eat Bulaga. Kabilang sa mga host ng naturang noontime show na umere sa GMA 7 ay sina Paolo Contis, Isko Moreno, Buboy Villar, Cassy at Mavy Legaspi, Dasuri Choi, Betong at marami pang iba.

Matatandaang pumirma na ng long-term contract sina Paolo Contis at Isko Moreno sa TAPE Inc. Sa Facebook page ng Sparkle GMA Artist Center, ay naibahagi ang picture ng kanilang contract signing. Naroroon din sina TAPE Inc. President and CEO Romeo Jalosjos Jr., Chief Financial Officer Bullet Jalosjos, at ang legal counsel ng TAPE na si Atty. Maggie Abraham-Garduque. Dumalo din ang kinatawan ng GMA na sina Sparkle GMA Artist Center Vice President Joy Marcelo at Senior Talent Manager Tracy Garcia.

Matatandaan din na naglabas si Paolo Contis ng pahayag habang nasa 'Eat Bulaga' ng GMA-7. Aniya, mahaba pa ang laban at wala pang final pagdating sa usaping legal dahil alinsunod sa batas ay maari pa silang umapela. Ito ay matapos katigan ng IPO ang TVJ kaugnay sa usaping trademark sa titulong Eat Bulaga at EB. Pangako daw nila na anuman ang mangyari ay itutuloy daw nila ang nasimulang tulong at saya.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel