Ivana at Zeinab, kinagiliwan sa handcuff challenge kung saan sabay silang nag-CR

Ivana at Zeinab, kinagiliwan sa handcuff challenge kung saan sabay silang nag-CR

- Kinagiliwan ng marami sina Ivana Alawi at Zeinab Harake sa bagong challenge na ginawa nila

- Sa YouTube channel ni Ivana, kumasa si Zeinab na maposas kay Ivana sa loob ng isang araw

- Dahil dito, sabay nilang ginawa ang iba't ibang bagay mula nang sila ay maglagay ng handcuff

- Maging sa pag-CR ay magkasama ang dalawa kung saan lumabas ang kanilang kakulitan

Marami ang naaliw sa bagong vlog ng tinaguriang "Alake sisters" na sina Ivana Alawi at Zeinab Harake.

Ivana at Zeinab, kinagiliwan sa handcuff challenge kung saan sabay silang nag-CR
Ivana Alawi at Zeinab Harake (Ivana Alawi Facebook)
Source: Facebook

Sa YouTube channel ni Ivana, kumasa si Zeinab na malagyan ng handcuff kasama ni Ivana.

Una silang nag-drive thru para kumain na sinundan naman ng pagkain ng street foods.

Subalit ang masasabi umanong challenge sa kanila ay sabay na paggamit ng comfort room.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Read also

Mama Loi sa kasal nina Sam at Catriona: "Nag-postponed hindi nag-cancel"

Nagbiro pa si Zeinab na tila tinatawag umano siya ng kalikasan, bagay na inalmahan agad ni Ivana.

At ang huli, nagtungo sila sa isang branch ng kanilang iniindorsong pabango kung saan sila ang nagbenta.

Samantala, narito ang komento ng netizens na labis na natuwa sa muling pagsasama ng dalawa:

"Sisters talaga kayo... magaganda na, halatang totoo sa sarili. Humble"
"Ang kulit niyo po. Sobrang aliw na alaiw talaga kami 'pag kayo ang magkasama"
"Best collab ever. Parang magkapatid talaga sila sa kakulitan"
"Sobrang solid 'tong dalawa 'pag nagsama. Napapasaya kami lahat #Alakesisters"
"Ang sarap panoorin. Nakangiti lang ako all the time. Salamat Alake sisters!"

Si Ivana Alawi ay unang nakilala nang sumali siya sa reality show na "StarStruck" sa GMA-7. Dahil sa kanyang taglay na ganda, sumikat siya sa social media pati na rin sa mundo ng vlogging. Sa kasalukuyan, umabot na sa mahigit 17.5 million ang kanyang mga YouTube subscribers.

Read also

Fynest China, napaniwalang na-decline ang credit card ni Alex Gonzaga

Marami ang naaaliw sa mga vlogs ni Ivana sa kanyang channel dahil sa kulitan nila ng kanyang pamilya. Makikita rin kasi dito ang kabutihan ng puso ni Ivana na hindi lang siya sa kanyang pamilya matulungin kundi lalo na sa mga kababayan nating kapos-palad.

Kamakailan, nabanggit ni Ivana na mayroon umano siya ngayong dini-date. "My Heart is happy," ayon pa kay Ivana. Gayunpaman, nais ni Ivana na panatilihin ang pagiging pribado ng kanyang love life.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel