Solenn Heussaff, nawalan ng alagang pusa: "I believe he was stolen"

Solenn Heussaff, nawalan ng alagang pusa: "I believe he was stolen"

- Binahagi ni Solenn Heussaff na nawawala ang alaga nilang pusa na si Gato

- Sa kanyang Instagram story, sinabi ni Solenn na naniniwala siyang ninakaw ito dahil mahilig daw itong gumala ngunit nakakabalik naman daw ito sa kanila

- Hiling niya na kung may sumubok na magbenta nito sa kanila ay i-message na lamang siya

- Maraming beses na ring naibahagi sa kanilang post ang mga alaga nilang hayop kabilang na si Gato at Pocholla

Binahagi ni Solenn Heussaff sa kanyang Instagram story ang picture ng pusa niyang si Gato na aniya ay nawawala. Naniniwala siyang may kumuha nito dahil aniya ay madalas namang nakakauwi ito sa kanila matapos gumala.

Solenn Heussaff, nawalan ng alagang pusa: "I believe he was stolen"
Solenn Heussaff, nawalan ng alagang pusa: "I believe he was stolen"
Source: Instagram

Hiniling niya na kung may sumubok na magbenta nito sa kanila ay i-message na lamang siya.

Hi everyone, my cat Negroni aka 'Gato' has been missing. I believe he was stolen as he like to roam around. But he usually comes back. If anyone tries to sell him to you please dm me.

Read also

Jamie Bautista, nilinaw na walang 3rd party sa paghihiwalay nila ni Anthony Leodones

Nakilala na rin ng netizens ang mga alagang hayop nila Solenn sa bahay dahil sa mga naibabahagi nilang video.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Solenn Heussaff, nawalan ng alagang pusa: "I believe he was stolen"
Solenn Heussaff, nawalan ng alagang pusa: "I believe he was stolen"
Source: Instagram

Si Solenn Marie Adea Heussaff-Bolzico ay isang Pinay actress, model, artist at singer. Isa siya sa naging official castaways ng programang Survivor Philippines: Celebrity Showdown kung saan isa siya sa hinirang na Final Three.

Matatandaang kamakailan ay binahagi ni Nico sa isang Instagram post ang tungkol sa pagsilang sa ikalawang anak nila ni Solenn. Aniya, hahayaan niyang ang asawa niyang si Solenn ang magpakilala sa publiko sa pangalawang anak ngunit ang sigurado raw ay "Lionel" ang ikalawang pangalan ng anak. Naibahagi niya rin na masaya at maayos ang kalusugan ng kanyang maybahay. Bumuhos naman ang pagbati at marami ang naaliw sa pagiging palabiro ni Nico maging sa pagbabahagi ng pangyayari sa kanilang buhay.

Read also

Annabelle Rama sa aniya'y taong nagmamalinis: "Kala mo kung sinong santa"

Kamakailan ay binahagi ni Solenn ang video na kuha noong siya ay manganak sa pangalawang pagkakataon. Aniya, mas naging madali ang kanyang panganganak sa pangalawang baby na kanilang pinangalanang Maëlys Lionel. Natatawa lang si Solenn habang inamin niyang hango sa pangalan ng sikat na Argentinian professional footballer na si Lionel Messi. Matatandaang hindi maitago ni Nico ang kanyang galak nang manalo ang bansang Argentina sa World Cup 2022 kamakailan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel